Career, suwerte; pag-ibig, hindi
Sulat mula kay Lenita, ng Barangay Isidro D. Tan (Dimalooc), Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Single mom po ako. Kahit may anak na ako at nag-aaral pa rin ako, kahit paano. Pangarap kong makatapos ng kurso.
Sa tulong ng mga magulang ko ay nakatapos naman ako sa kursong nutrition and dietetics.
Sa susunod na taon, balak kong kumuha ng licensure exam. Nais kong malaman kung susuwertehin ba ako at makapapasa sa mahirap na pagsusulit.
Sa pag-ibig, gusto ko ring malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararansan sa kabila ng pagiging dalagang ina. October 1, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Lenita, ng Barangay Isidro D. Tan (Dimalooc), Tangub City
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Malinaw na malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taon, madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa bo kda na sa iyong palad ang maging ganap na dietician ka.
Cartomancy:
Bagama’t suwerte sa career maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka ulit, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades, ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ika-apat na pag-ibig, may itatalang tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.