outbrain

Kilalang aktres inggitera at tamad pa rin: Feeling niya siya ang bida!

By Reggee Bonoan February 15,2020
share this

Kilalang aktres inggitera at tamad pa rin: Feeling niya siya ang bida!

By Reggee Bonoan February 15,2020
share this

“Hay naku, inggitera pa rin ang lola mo (kilalang aktres), akala namin nagbago na kasi di ba, waley na siya, binigyan lang ng chance ulit sa showbiz,” ang diretsahang kuwento sa amin ng isang TV executive.

Ang tinutukoy niya ay ang aktres na sumikat naman noon, pero dahil nagsawa na ang tao sa kanya kaya parang ispageting pababa nang pababa ang kasikatan niya hanggang sa hindi na kumikita ang mga pelikula at mabilis na ring tsinutsugi ang mga show niya sa TV.

Matagal nawala sa showbiz ang aktres kaya nu’ng minsang nakita siya ng TV executive ay tinanong kung gusto niyang bumalik at agad naman siyang umoo kasi nga chance na niya.

“Kaloka, inggitera pa rin, hindi nawala. Gusto niya kung anong meron sa mga kasama niya sa show, dapat ganu’n din siya. E, magkakaiba siyempre ang concept. Ang gagawin niya pag hindi siya napagbigyan, magsusumbong kay ____ (mas mataas na boss). Pinagbigyan nu’ng una, aba’y umabuso na. Daig pa niya ang star of the show? Ano ‘to?” naiinis pang kuwento ng TV executive.

Heto pa, “Ang tamad niya, hindi siya nag-iisip ng sasabihin niya, gusto lahat ituturo at babasahin sa kanya. Wala man lang inputs. Alam na ito ng management, bahala na sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending