outbrain

Naghiwalay na loveteam buking ang panloloko; ginagawang laruan ang fans

By Cristy Fermin February 14,2020
share this

Naghiwalay na loveteam buking ang panloloko; ginagawang laruan ang fans

By Cristy Fermin February 14,2020
share this

MARAMING galit na galit sa isang magka-loveteam sa harap at likod ng mga camera. Napakahusay raw kasi nilang magpaikot. Mahilig silang magpasakay sa publiko sa roller coaster.

Pagdating daw sa pakikipaglaro sa mga tao ay nangunguna ang magkarelasyong ito, ginagawa nilang biro ang kanilang relasyon, ano kaya ang magiging ending ng kanilang ginagawa?

Kuwento ng isang source, “Napaka-plastic talaga ng loveteam na ‘yun! Para lang sila mapag-usapan at para tumunog ang name nila, e, kayang-kaya nilang gawing puhunan ang sitwasyon nila!

“Nakakahiya sila! Sasabihin nilang hiwalay na sila, malulungkot naman ang mga faney nila, pero saan ka, palagi pa rin naman silang magkasama?

“Kung kailan nga nila sinasabing tapos na ang lahat-lahat sa kanila, e, saka naman sila nakikita sa kung saan-saan na palaging magkasama!” unang naiinis na komento ng aming impormante.

‘Yun daw ang talagang pinagkakasunduan ng magkarelasyong ito, ang pagsakay sa kani-kanilang trip, hindi sila nagkokontrahan.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka sila, di ba naman? Napakahilig nilang magpaikot ng mga tao, pati ang mga fans nila, e, ginagawa nilang laruan!

“Naku, darating ang panahon na wala nang maniniwala pa sa kanila! Magsisigaw man sila na tapos na ang relasyon nila, e, pagtataasan na lang sila ng kilay ng mga tao!

“Kapag dumating ang panahong ‘yun, e, wala silang dapat sisihin kundi ang mga sarili lang nila! Gawin bang laruan ang relasyon nila? Kiyemeng meron pa silang official statement, lokohin nila ang mga lelang nila!” inis pa ring sabi ng aming source.

Isang gabi ay may nakakita sa nagkahiwalay kunong magkarelasyon, magkasama silang kumakain sa isang food chain, naglalambingan sila na parang wala nang bukas.

“Hindi na sila nahiya! Nag-iiyakan na nga ang mga faney nila, pero hayun naman sila, niloloko rin ang mga sarili nila! Ano ‘yun, basta trip lang nila?” pagtatapos ng aming source.

Wala nang clue, kayang-kaya n’yo nang tumbukin kung sino ang magka-loveteam na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending