Babala kay Kyline: Wag na wag titingin sa mata ni Ate Guy | Bandera

Babala kay Kyline: Wag na wag titingin sa mata ni Ate Guy

Jun Nardo - February 14, 2020 - 12:25 AM

NORA AUNOR AT KYLINE ALCANTARA

Sinabihan si Kyline Alcantara na huwag titingin sa mata ni Nora Aunor kapag magkaeksena sila sa bagong afternoon series ng GMA na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Kadalasan kasi nawawala sa focus ang artistang kaeksena ni Ate Guy kapag tinitigan ang mata ng Superstar. Nakakawala raw ng concentration kapag tiningnan ka na nang diretso ng veteran actress.

Pero ayon kay Kyline hindi niya ito kayang gawin, “Ang hirap naman po na hindi ko tingnan sa mata si Miss Nora Aunor. Siyempre kapag magkaeksena kami, kailangan ko siyang tingnan sa mata.

“Buti na lang, nakakaya ko naman dahil very supportive naman siya sa akin,” rason ni Kyline na lalabas na apo ng Superstar sa TV adaptation ng classic movie ni Ate Guy na “Bilangin ang Bituin sa Langit” kung saan nakatambal niya si Tirso Cruz III.

Aminado ang Kapuso actress na inatake siya matinding nerbiyos nang malaman niyang si Ate Guy ang makakasama niya sa bagong serye ng GMA pero mas lamang pa rin daw ang excitement.

“Siyempre, sino ba namang artista ang hindi nangangarap na makasama si Ms. Nora Aunor, di ba? Kaya dedma sa kaba, kailangang pagbutihin na lang ang trabaho and I know napakarami kong matututunan sa kanya at sa lahat ng makakasama namin dito,” sabi pa ni Kyline.

For a change naman, si Yasser Marta ang magiging kapareha ni Kyline na una niyang nakasama sa Kapuso series na Kambal Karibal. Umaasa si Kyline na susuportahan din ng manonood ang tambalan nila ni Yasser.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending