outbrain

#RoadToForever: 9 showbiz couple sa iba’t ibang hugot ng pag-ibig

By Djan Magbanua February 14,2020
share this

#RoadToForever: 9 showbiz couple sa iba’t ibang hugot ng pag-ibig

By Djan Magbanua February 14,2020
share this

#MAY forever nga ba sa isang relasyon? O, lahat ng klase ng love story ay kailangang matapos at magkaroon ng ending?
Ngayong Valentine’s Day, siguradong may kanya-kanyang gimik at drama ang mga magdyowa at lahat naman ng single ay umaasang matatagpuan na rin nila ang “the one”.
Pero meron man o walang forever, nais pa rin naming i-wish na magkaroon ng happy ending ang ilang most-loved showbiz couples na nagpakita sa buong universe ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig.

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil)

Bago maging isa sa pinakasikat na loveteam sa bansa, nagsimula muna sila bilang “third wheel” sa mga pambatong tambalan ng ABS-CBN hanggang sa naging mag-partner sa pelikulang “She’s The One” nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo. Nagtuluy-tuloy na ang swerte ng LizQuen nang gawin nila ang Forevermore noong 2014, kung saan nagsimula rin ang kanilang relasyon off-cam.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla)

Five years na ang relasyon ng tinaguriang King & Queen of Hearts. Una silang nagsama sa Growing Up noong 2011 pero sa seryeng Princess And I talaga umingay ang kanilang tambalan. Mula noon, nagsunod-sunod na ang kanilang teleserye at blockbuster movies until umamin na nga ang dalawa na natagpuan na nila ang “forever” sa isa’t isa.

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

ArMaine (Arjo Atayde at Maine Mendoza)

Matindi muna ang kanilang pinagdaanan bago aminin sa publiko ang kanilang relasyon. Talagang ipinaglaban nila ang pagmamahal sa isa’t isa sa gitna ng pamba-bash ng AlDub fans. Mas pinili nina Maine at Arjo na magpakatotoo sa kanilang feelings at labanan ang lahat ng kumokontra sa relasyon nila. Kaya wish ng ArMaine supporters, sa kasalan na mauwi ang kanilang mala-fairy tale na love story.

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

DenJen (Dennis Trillo at Jennylyn Mercado)

Pinatunayan ng Kapuso couple na “love is indeed sweeter the second time around”. Una silang naging magdyowa noong 2010 pero naghiwalay din after a year due to immaturity at sobrang selosan. Taong 2015 nang mag-decide sila na bigyan ng second chance ang kanilang pagmamahalan. Recently ay nagsosyo na rin sila sa negosyo kaya ang hinihintay na lang ng lahat, kailan magpo-propose si Dennis?

ION PEREZ AT VICE GANDA

ViceIon (Vice Ganda at Ion Perez)

Hashtag #CampSawi lagi ang drama ng Unkabogable Star pero mukhang nahanap na nga niya ang “icing” sa kanyang “cupcake” sabi nga sa kanta ni Kim Chiu. Buong tapang na umamin sa madlang pipol si Vice na boyfriend na niya si Ion na nakilala sa Showtime bilang si “Kuya Escort”. Dedma lang sila sa mga bashers at moralista na nagsasabing kasalanan ang kanilang ginagawa. Basta para sa ViceIon fans…#LoveWins.

 

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

AshMatt (Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli)

“Love is patient.” Yan ang hugot ng relasyong Sarah-Matteo na engaged na ngayon matapos mag-date ng anim na taon. Sa programang Sarah G Live noong 2012, inasar-asar ni Robi Domingo ang Popstar Royalty nang ibuking nito na nag-cancel si Matteo ng isang appointment para lang mapanood siya. A year later naging official na ang kanilang relasyon at kalat na kalat na ang balita na this year na magaganap ang kanilang wedding.

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber)

Sino nga ba ang mag-aakala na magiging isa sa pambatong loveteam ng ABS-CBN ang dating housemates ni Big Brother noong 2017? Bago matapos ang Pinoy Big Brother: Lucky 7, naging mag-BFF ang MayWard at paglabas ng PBB house, na-shock sila na milyun-milyon na pala ang umiidolo sa kanila. Inamin na ni Edward ang feelings niya kay Maymay at handa siyang maghintay hanggang sa dumating na ang kanilang #RoadToForever.

XIAN LIM AT KIM CHIU

KimXi (Kim Chiu at Xian Lim)

Ipinaglaban talaga ni Xian ang pagmamahal niya kay Kim kahit na maraming nagsasabing hindi sila magtatagal at inakusahan pang manggagamit. Pero pinatunayan niyang malinis ang intensiyon niya sa aktres kaya hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang relasyon. Tandang-tanda pa namin ang dialogue ni Xian noong aminin niyang girlfriend na niya si Kim: “Kung kasalanan mang mahalin ka, then makasalanan akong tao.”

BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO

JakBie (Jak Roberto at Barbie Forteza)

Isa sa mga pampa-good vibes ng mga netizens ang vlogs at mga viral kulitan video ng Kapuso couple. Na-develop ang dalawa nang gawin nila ang seryeng Meant To Be noong 2017 and from then on, naging travel buddies na sila at bawat lakad nila sa ibang bansa ay documented na isine-share nila sa lahat ng JakBie fans. Paano nga ba napasagot ni Jak si Barbie? “Basta dinaan ko sa slowly but surely.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending