Produ ng 'Malvar' ni Pacman pabor sa desisyon ni Duterte | Bandera

Produ ng ‘Malvar’ ni Pacman pabor sa desisyon ni Duterte

Bandera - February 12, 2020 - 12:40 AM

RODRIGO DUTERTE AT JOSE MALVAR VILLEGAS

Malaki ang koneksyon ng ipinaglaban noon ng Pambansang Bayani na si Heneral Miguel Malvar sa issue ngayon ng PH-US Visiting Forces Agreement.

Very soon ay magpapatuloy na ang shooting ng historical drama film na “Malvar” na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao. Ito’y mula sa produksyon ni Anti-Crime at Anti-Corruption Crusader Atty. Jose Malvar Villegas na apo rin ni Gen. Malvar.

Sa isang panayam, sinabi ni Villegas na sumasang-ayon siya sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang PH-US Visiting Forces Agreement.

Sa pelikulang “Malvar” ipamamalas muli ni Pacquiao at iba pang cast nito ang patuloy na adhikain ng mga bayani na makalaya ang bansa sa pananakop ng Amerika na nanghimasok sa pagpili ng leader sa bansa at pagtakbo ng sistema na pinaiiral ng pamahalaan.

Sinabi ni Villegas na pagkatapos mapaalis ang American bases na mahigit isang daan taong nanatili sa Pilipinas na pinamunuan ng mga leader na hawak ng mga dayuhang Amerikano, si President Duterte lang ang may lakas ng loob na labanan ang pakikialam ng mga Kano sa bansa.

“Tama lang na isunod ni President Duterte ang pagbabasura ng PH-US Mutual Defense Treaty na nagdulot lamang ng problema sa atin, at sa Malvar movie ipakikita ang pinagdaanan ng bansa natin noong panahon nila,” ani Villegas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending