#Walang personalan: Cristine, Xian pinahirapan nang todo ni Direk Sigrid sa 'Untrue' | Bandera

#Walang personalan: Cristine, Xian pinahirapan nang todo ni Direk Sigrid sa ‘Untrue’

Ervin Santiago |February 12,2020
facebook
share this

#Walang personalan: Cristine, Xian pinahirapan nang todo ni Direk Sigrid sa ‘Untrue’

Ervin Santiago - February 12, 2020 - 12:25 AM

CRISTINE REYES, XIAN LIM AT SIGRID BERNARDO

PERFECTIONIST ang award-winning director na si Sigrid Andrea Bernardo. Kaya talagang pinipiga niya ang bawat artistang nakakatrabaho niya.
At dahil dito, hindi maiiwasan ang magkaroon ng tensiyon sa shooting lalo na kapag pagot at stressed na ang lahat sa set.

Sa solo presscon ni Direk Sigrid para sa latest movie niyang “Untrue” mula sa Viva Films, inamin niyang may mga pikunan moments din sila ng kanyang mga artistang sina Cristine Reyes at Xian Lim.

“Sabi ko ‘yung mga drama nila sa buhay ilabas nila sa harap ng camera hindi off-camera. Wala akong pakialam sa ugali nila dahil iba rin naman ang ugali ko,” natatawang pahayag ng direktor.
Naniniwala siya na ang pagiging istrikto niya ay para rin sa kanyang mga artista at tulad nga ng kasabihan sa showbiz, trabaho lang, walang personalan.

“Kapag hindi maganda ang resulta sino ba ang mapupulaan, eh, di sila, kami, ako kasi sasabihin ‘yung direktor hindi marunong. At saka sa editing ako lang naman ang nandoon at ‘yung editor.

Sino ba ang mahihirapan ‘di ba? Hindi puwede sa akin ‘yung ginagamot ang mga eksena gusto ko natural,” paliwanag ni Direk Sigrid na puring-puri naman ang professionalism at galing nina Xian at Cristine sa movie na kinunan pa sa Georgia.

Ayon pa sa direktor ng “Untrue” hindi siya mahihiyang sabihin na pwedeng-pwedeng manalo ng mga award sina Xian at Cristine dahil sa ipinakita nilang akting na gaganap ngang mag-asawa na parehong mapapraning dahil sa mga challenges na kanilang haharapin.

Pati pala ang matitinding bugbugan at sex scenes ng dalawang bida sa movie ay talagang inaral ng buong production, “Nag-rehearse sila rito sa Pinas bago sila umalis, they had 10 days rehearsal tapos pagdating din doon sa Georgia nandoon din ‘yung acting coach ko to guide them.”

Dagdag pa niya, “Ni-require ko talaga silang magkaroon ng workshop at ‘yung physical transformation very important sa akin, tinapat ko naman sila, eh na ‘you have to look the part kung gusto ninyong gawin ang pelikula. Xian you have to gain 20 pounds kasi masyado siyang guwapo, model, malinis.’

“Si Cristine sabi ko, hindi ako papayag ng wig kaya red hair siya at very important ‘yun. Kapag napanood ninyo ‘yung pelikula malalaman kung bakit important. So, it’s a non-negotiable deal, lahat sinabi ko kina Xian at Cristine at pumayag sila kaya I’m very happy na sobrang dedicated sila.

“Kaya I’m very proud of them during the shooting, hindi ko sinasabing madali silang idirek dahil sila rin nahirapan. Kasi ‘yung shooting namin hindi chronological na sa isang eksena ganito, kaya baliw-baliw na rin sila. Kaya kailangan nilang mag-focus sa acting nila,” lahad pa ni Direk Sigrid na siya ring nasa likod ng phenomenal blockbuster movie na “Kita Kita” nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Untrue” sa Feb. 19 nationwide mula sa Viva Films at magkakaroon din ito ng premiere night sa Estancia Mall Cinema 1, Estancia Ortigas sa Feb. 17.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending