Mga dapat mong malaman tungkol sa stomach flu | Bandera

Mga dapat mong malaman tungkol sa stomach flu

- February 10, 2020 - 08:00 AM

NAKARANAS ka na ba ng matinding pananakit ng tiyan na kaakibat ang pagtatae at pagsusuka?

Kung oo ang sagot mo malamang na tinamaan ka ng gastroenteritis o stomach flu.

Ang gastroenteritis o stomach flu ay isang sakit sa tiyan at bituka na hatid ng bacteria o virus.
Ang pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka ay ilan lamang sa mga sintomas ng gastroenteritis.

Kasama rin sa sintomas ng gastroenteritis ang pamamaga, pagkahilo, lagnat, pananakit ng ulo at dehydration. Maaaring tumagal ito ng dalawang hanggang 10 araw.

Para magamot ang iyong gastroenteritis, palitan agad ang nawawalang likido at electrolytes sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, fruit juices, sports drinks at sabaw.

Kung may problema sa pagsusuka, higupin ng paunti-unti ang ininom na likido. Para sa mga bata pati na rin sa mga matatanda, mainam ang oral rehydration solution.

Kung may gana nang kumain, huwag agad kumain nang marami at iwasan ang mamantikang pagkain. Ang pagkain ng saltine crackers ay nakakatulong din para palitan ang nawalang electroytes sa katawan.

Kailangan mo ring uminom ng gamot para maibsan ang mga sintomas ng stomach flu.

Magpatingin din kaagad sa doktor o dalhin agad sa ospital ang maysakit kung sobrang dehydrated na ito at kung may dugo na ang pagtatae nito.

9 paraan para makaiwas sa gastroenteritis:

1. Maghugas ng kamay nang madalas lalo na pagkatapos gumamit ng banyo, bago maghanda, maghain at kumain ng pagkain.

2. Panatilihing malinis ang kusina at hapag kainan.

3. Lutuin nang tama ang mga pagkaing ihahanda at ikonserba ito nang maayos.

4. Iwasan ang pagkain ng hilaw o kulang sa luto na karne at pagkaing dagat

5. Siguruhing malinis ang pagkain at inumin.

6. Itapon nang tama ang mga basura.

7. Panatilihing malinis ang inyong palikuran at kapaligiran.

8. Labhan agad ang mga maruruming damit, bagay o gamit ng maysakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

9. Iwasang lumapit o dumikit sa mga taong maysakit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending