Aicelle may tips para sa magdyowang nasa LDR                                                 | Bandera

Aicelle may tips para sa magdyowang nasa LDR                                                

Ervin Santiago - February 09, 2020 - 12:45 AM

AICELLE SANTOS AT MARK ZAMBRANO

NAGBIGAY ng ilang tips ang Kapuso at West End singer na si Aicelle Santos kung paano magiging successful ang isang LDR (long distance relationship). 

In fairness, isa si Aicelle sa buhay na patotoo na may forever sa LDR, tulad ng nangyari sa kanila ng kanyang asawang broadcast journalist na si Mark Zambrano. Pero inamin ni Aicelle na hindi talaga madali ang malayuang pakikipagrelasyon kaya isa itong malaking sakripisyo.

Ayon sa isa sa mga uupong judge sa bagong singing search ng GMA 7 na “Centerstage” hosted by Alden Richards, ilan sa mga magic words para mag-work ang LDR ay respeto, tiwala, tunay na pagmamahal at komunikasyon.

“May mga adjustments kami. Tulad ng, magkaiba ‘yung time difference? Minsan pamadaling-araw na sa akin, tapos sa kanya umaga nag-uusap kami but that’s okay kasi may mga bagay na gusto akong ikuwento sa kanya, e.

“So, it comes with communication also na iniipon ko ‘yung kuwento ko. Kasi may mga moments na gusto kong i-kuwento now but he’s still sleeping. So iipunin ko muna and then ikukuwento mo sa kanya. Pero part pa rin kayo ng isa’t isa,” aniya pa.

“Nahirapan kami noong unang mga linggo, buwan, pero ang bilis na kasi ng panahon at pareho kaming confident sa isa’t isa. We really trust each other and we really made sure to communicate every day. Sa araw-araw na pag-uusap, nandoon ‘yong ‘How’s your day?’ ‘How are you feeling?’ Kulang lang ng physical touch, but it can wait. Ang bilis lang naman ng one year,” chika pa ni Aicelle.

Samantala, may mga advice rin ang Kapuso star sa mga batang aspiring singers na sasabak sa Centerstage na magsisimula na sa Feb. 16 sa GMA. Isa siya sa magiging hurado rito kasama sina Pops Fernandez at Mel Villena. 

“I joined several contests, failed some, pero okay lang. Ako siguro nung mas bata ako na natalo ako, ‘yung totoo, nalungkot ako. And I said I’ll never join a competition again because it hurt me. Parang, hindi naman po ito ‘yung gusto ko. Kasi ang nakalaban ko pa bumibirit but I was not a biritera back then,” aniya.

“So, sabi ko, hindi ‘yun (pagbirit) ‘yung strength ko, maybe I’ll build on my strength. And du’n ako nagsimula, that’s one. Two, kanta lang nang kanta, ensayo lang nang ensayo. Kasi habang tumatagal, gumagaling ka sa iyong pagkanta. Mayroong kang certain placements na nadi-discover, ‘Uy kaya ko na ‘to, dati hindi ko kaya.’

“Third, never stop learning. It doesn’t stop there. Kapag natutunan mo nang bumirit, it doesn’t mean you’re the best. You have to eventually mean what you say, ‘di ba? Bawat letrang kinakanta mo, mayroon kang hatid na kuwento. That’s what captures me as a judge. ‘Yun ‘yung importante sa akin,” dagdag pa ni Aicelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending