Bong: Ayoko nang umiyak…napatawad ko na sila, pero…
NAKAPLANO na ang selebrasyon ng isa sa pinakamatatag at pinakamatagal na showbiz couple na sina Sen. Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado para sa Valentine’s Day.
Sa eksklusibo naming panayam sa “original” na Sen. Bong sa Senado, sinabi niyang may kilig pa rin sa kanila ni Mayor Lani kapag sasapit na ang Araw ng mga Puso, “Siyempre, ide-date ko yung asawa ko. Pero may wedding yata kami na pupuntahan sa Pampanga kaya doon kami magdi-date,” kuwento ng senador.
Wala naman daw masyadong kaibahan ang pagse-celebrate nila ni misis ng Valentine’s Day this year, “Alam mo, kailangan araw-araw Valentine’s Day. Wow! Ha-hahaha! ‘Di ba? Kaya yung Valentine’s Day sine-celebrate mo lang yung Araw ng Puso. Pero kailangan maging mapagmahal ka araw-araw.”
Sobrang cheesy naman ang sagot ni Sen. Bong sa amin when asked kung ano ang Valentine gift niya kay Mayor Lani, “Pag-ibig ko, wow! Wala na siyang hahanapin pa. Ha-haha. Siyempre, plenty of roses, with matching chocolates.”
More than 30 years nang kasal sina Sen. Bong at Mayor Lani. Sa tagal ng pagsasama nila, mas lumalim pa ang kahulugan ng pag-ibig nila sa isa’t isa, “Sa rami ng pinagdaanan ko sa buhay, doon mo makikita ang hangganan ng pagmamahal. Simula pababa hanggang pataas, doon mo makikita ang mga taong nagmamahal sa yo.
“Kaya, while picking up the pieces when you’re down, doon mo makikita kung sino ang mga tunay na tao. At kung sino ba yung patuloy na dapat mong mahalin. Yung kailanman hindi ako pinabayaan. Kaya sabi ko nga, e, bawat pagsubok may katapusan. Kaya yung pagsubok na dumating sa akin, pag dumating sa ibang tao yan, huwag susuko.”
At dahil love month, tinanong namin ang actor-politician kung napatawad na niya totally ang lahat ng mga nakagawa sa kanya ng kasalanan, “Yun ang importante, you should learn how to forgive. That’s for me, water under the bridge. Let’s move on. Pinatawad ko na sila pero hindi mo kalilimutan. You forgive but you don’t forget.” Hindi raw siya ‘yung tipo na mapagtanim ng sama ng loob.
Sa ngayon, ayaw na raw umiyak ni Sen. Bong, “I don’t want to cry anymore. Kasi, naging mababaw talaga ang luha ko. Sobra-sobrang luha, hindi lang isang balde, isang drum! Grabe! Sabi ko nga, ayaw ko nang umiyak. Alam ninyo kung gaano kasakit sa akin yun.”
Lastly, naibalita namin kay Sen. Bong ang next film na gagawin ni Direk Mikhail Red tungkol sa naganap na pangho-hostage sa Luneta Grandstand noon kung saan siya ang napiling negotiator nang nang-hostage. We asked him kung pwede siyang maging bahagi ng pelikula.
“Kaninong istorya ‘to? Depende kasi yan, eh. Dalawa kasi yung siege noon. Yung isa kay Jun Ducat and the other one, yung maraming namatay na Chinese, ‘di ba?” tanong niya sa amin.
Yung negotiation during the time ni Jun Ducat, doon naging negotiator si Sen. Bong at napa-surrender niya ang hostage taker.
“Yung isa, yung sa Luneta yung mga Chinese naman ang namata. Kung ginawa nila yung panahon namin ni Jun Ducat na nakapag-negotiate ka, nakapag-dialogue ka nang maayos, hindi mangyayari yun. Kung kukunin ako for a special participation sa movie, okey lang sa akin yun. Basta para sa industrya, I’m open,” anang senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.