Gusto mag-loan muli | Bandera

Gusto mag-loan muli

Liza Soriano - February 05, 2020 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po ay si Gilbert, 48 years old. Ilang dekada ang nakalilipas ay hindi pa ako nakakapag-inquire ng aking contributions sa SSS.
Ang business ko ay forwarding. Gusto ko po sana na malaman ang status at allowed pa rin ba akong makapag-loan bagaman nakapag-loan na ako last year?
Pwede po ba ang double loan? Kailangang-kailangan ko lang po sana pandagdag sa business na gusto kung bilihin. Tama po ba na ang contribution ko ay nasa maximum contribution?
Kung sakali po na aalis na ako sa trabaho ay pwede ko bang maipagpatuloy ang pagbabayad ko sa SSS or pwede nang itigil? Ilan years po ba ang requirements para sa contibution for assurance ng pension sakaling umabot na ako ng pension age? Sana ay matulungan ninyo ako at masagot ang aking katanungan
Salamat po sa Aksyon Line at sa SSS.
REPLY: Hinggil sa katanungan ni Gilbert. Siya ay may kasalukuyang 256 monthly contributions hanggang December 2019 at may loan balance na P28,163.88 sa kasalukuyan. Upang makapag-renew ng salary loan, kinakailangan na siya ay nakapagbayad na halos ng 50% ng kanyang total loan balance o katumbas ng 12 buwanang loan payments.
Sa kasalukuyan, hindi pa siya maaaring mag-renew sa kadahilanang apat na buwan pa lamang siyang nakakapagbayad ng kanyang loan.
Samantala, para ma-qualify sa retirement benefit pension, kinakailangan na siya ay umabot na sa 60 taong gulang na at hiwalay na sa trabaho.
Kung aalis na siya sa kanyang trabaho, maaari niyang ipagpatuloy ang kanyang hulog bilang voluntary member. Samantala, kinakailangan niyang magrehistro sa My.SSS facility upang makapag-generate siya ng payment reference number na kinakailangan para sa pagbabayad ng kanyang contributions sa SSS.
Ces
Maria Cecilia F. Mercado
Social Security Officer IV
7/F, Media Affairs Department
SSS Building, East Avenue, Diliman, Quezon City
Tel No. 8924-7295/VOIP 5053
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending