Broken heart? baka mauwi sa heart attack | Bandera

Broken heart? baka mauwi sa heart attack

- February 03, 2020 - 08:00 AM

SABI ng isang kanta, “where do broken hearts go’.

Pero ayon sa isang bagong pag-aaral sa United Kingdom ang mga broken hearted ay dapat na kumonsulta sa doktor dahil ang pait ng damdamin na kanilang nararanasan ay maaaring magresulta sa malalang sakit sa puso, na pwedeng mauwi sa heart attack.

Tinatawag itong broken heart syndrome o takotsubo, ayon sa research na pinondohan ng British Heart Foundation.

Ang takotsubo na sinamahan ng severe emotional stress ay nagreresulta sa paghina ng puso, ayon sa NetDoctor.

Ang takotsubo syndrome ay ang biglaang panghihina ng muscular portion ng puso na sanhi ng emotional stress gaya ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay o kaya ay na-basted ng nililigawan.

Dapat umano na agarang magamot ang taong may takotsubo syndrome gaya ng pangangailangan ng mga taong may sakit sa puso. At pangmatagalan umano ang gamutan na kailangan ng pasyente dahil sa long term effect nito sa pasyente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending