'Sinasayang ni KC ang chance, sana'y wag na siyang mawala' | Bandera

‘Sinasayang ni KC ang chance, sana’y wag na siyang mawala’

Cristy Fermin - February 03, 2020 - 12:05 AM

MAGBABALIK-SHOWBIZ na si KC Concepcion. Ang Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo ang kanyang magiging pamilya.

Magandang aksiyon ito, sayang ang mga panahong pinalalampas ng anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, meron na siyang puhunan na paghuhugutan sa kanyang pagbabalik.

Palagi rin lang naman siyang pinag-uusapan, nagiging kontrobersiyal siya, mas magandang pakinabangan niya ang mga ganu’ng sitwasyon.

Ang hiling ng mga fans nila ng kanyang dating karelasyong si Piolo Pascual ay ang magpareha sila sa isang proyekto. Kalimutan na raw ang nakaraan, mabahang panahon na ang nakalipas, magpakapropesyonal na lang daw sila.

Sa pagbabalik sa pagharap sa mga camera ni KC ay hindi maaaring hindi maungkat ang kanilang nakaraan ni Piolo. Markado ang senaryong ‘yun, tumatak sa utak ng mga kababayan natin, ang mga ganu’ng ganap pa naman ang mahirap mabura sa utak ng publiko.

Sana nga ay maging abala na si KC sa pag-aartista, huwag na sana siyang nawawala, sayang na sayang ang pagkakataon at oportunidad na nakalaan sa kanya.

In fairness, puring-puri ng kanyang mga kapwa artista ang ugali ng dalaga, mahal din siya ng mga manunulat dahil marespeto siya at hindi kinakitaan ng pagyayabang kahit pa meron naman siyang maipagmamalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending