NIKKI takot magpa-interview, ayaw nang magsalita | Bandera

NIKKI takot magpa-interview, ayaw nang magsalita

Ambet Nabus - August 04, 2013 - 03:00 AM


GAANO kaya katotoo kapatid na Ervin ang natisod nating balita na kaya umano nagsalita si Billy Crawford nu’ng nakaraang Linggo ay dahil sa “utos-pakiusap” na magsalita na ito para matigil na ang isyu sa kanila ni Nikki Gil?

Hindi raw kasi talaga magsasalita (as in nag-swear) si Nikki dahil baka sa sobrang emosyon nito ay baka kung ano pa ang kanyang masabi kaya’t pinakiusapan daw ng management ni Billy na ito na lang ang magsalita.

Ang siste, and as we all are getting now, kay Billy nga napunta ang sisi, ang lahat ng kanegahan at ultimo ang pagkalalaki nito ay kinuuwestyun ngayon.

“Kaya wala talaga siyang masabi na specific dahil nagkausap sila ni Nikki na walang magsasalita. Well, tutal papaalis na naman siya for his much deserve vacation in the US, eh di hayaan na lang nating mamatay ang isyu like a natural death.

“Nakakaawa lang talaga si Billy dahil siya ang naputukan ng lahat, gayung in a relationship, it takes two to tango, ika nga. Sana magkaroon din ng lakas ng loob si Nikki na magsalita para naman marinig natin ang two sides of the story, hindi ‘yung kay Billy lang, di ba?” hirit pa ng impormante namin.

Hmmm…hmmm..hmmm…ano kaya ang kakaiba sa naturang kuwento ha, kapatid na Ervin? (Feeling ko mare, meron talagang something sa paghihiwalay nina Nikki at Billy!

Kapag nagkita tayo, ichichika ko sa ‘yo kung ano ‘yun! Kasi medyo sensitive. May kinalaman sa ano…sa…Ha-hahaha! Mambitin ba? – Ed)

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending