#WalangKawala: Nadine hanggang 2029 pa sa Viva                 | Bandera

#WalangKawala: Nadine hanggang 2029 pa sa Viva                

Cristy Fermin - February 02, 2020 - 12:10 AM

NADINE LUSTRE

Naku po! Talaga palang mabuburo na sa Viva Artists Agency si Nadine Lustre! Napakalinaw ng nilalaman ng kanyang pinirmahang kontrata, hanggang 2029 pa pala siya magseserbisyo sa VAA, pinirmahan niya ang kanilang kasunduan nu’ng 2009 habang nandu’n ang kanyang mga magulang.

    Kung ganu’n ay may siyam na taon pa pala siyang kontrata sa VAA, hindi siya maaaring basta na lang umalis-tumalikod sa kanyang management agency, sa gusto at sa ayaw ni Nadine ay kailangan niyang sundin ang kontratang sabayan nilang pinirmahan ng mga ehekutibo ng VAA.

    Gusto nang umalis sa VAA ni Nadine, sa pahayag ng kanyang mga abogado ay parang pagsasamantala sa mga artista nila ang ginagawa ng VAA, gustong tapusin na ng kampo ng dalagang aktres ang kanyang kontrata.

    Mahabang usapin ito, nagpapahayag na ang VAA na hindi maaaring tumanggap ng anumang trabaho sa ibang kumpanya si Nadine nang wala silang basbas, dadaan muna ‘yun sa kanila at papayag ang VAA kung makatutulong kay Nadine ang alok na trabaho.

    Siyam na taon. Napakahaba pa pala ng pinirmahan niyang kontrata sa VAA at sa Viva Films, alam niya kung ano ang pinirmahan niyang kontrata, matindi ang magiging epekto ng ganitong senaryo sa career ni Nadine Lustre.

    Ang batas ay batas. Ang kontrata ay kontrata.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending