Pinay na binigyan ng standing ovation sa X-Factor UK may concert na
NAKILALA namin personally ang isa pang Filipina singer na gumawa ng ingay at nagmarka sa X Factor UK – ang 19-year-old na si Maria Laroco.
Sa ginanap na presscon for her first solo concert na “First Love” recently, nakachikahan namin ang dalaga at dito nga niya naikuwento ang hinding-hindi niya malilimutang experience sa pagsali sa X Factor UK kung isa sa mga judge ang sikat na talent manager at record producer na Simon Cowell.
Ayon kay Maria, 2018 nang mabigyan siya ng chance na makasali sa X Factor UK na itinuturing niyang dream come true. Bukod sa nakapag-perform siya sa harap ng napakaraming tao, na-meet pa niya up close and personal si Simon Cowell.
In fairness, after niyang kantahin ang “Purple Rain” sa nasabing international singing competition, binigyan siya ng standing ovation hindi lang ng audience kundi pati na rin ng lahat ng hurado, kabilang na si Simon. Umabot siya hanggang sa Top 6 (Girls Category) ngunit hindi nga pinalad na magwagi sa finals.
Sa pamamagitan ng mentorship at guidance ni Simon, maraming opportunity naman ang nagbukas para kay Maria. Bukod sa X Factor UK, lumaban din siya sa Great British Festival Singing Competition kung saan level up agad siya bilang grand finalist. Taong 2019 naman nang bumalik siya ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang career.
Abot-langit naman ang pasasalamat ni Maria at ng kanyang pamilya sa mga Pinoy sa UK na hindi nagdamot ng tulong para umabot silang ng ilang buwan doon. Kung hindi raw sa mga kababayan nating Pinoy ay wala silang matutuluyan doon at hindi niya natapos ang journey niya sa X Factor.
Ayon sa dalaga, three years old pa lang ay mahilig na siyang kumanta hanggang sa sunud-sunud na ang pagsali niya sa iba’t ibang singing contest kaya talagang nahasa ang kanyang boses. Ilan sa mga music influence niya ay sina Lea Saloga, Aretha Franklin at Liza Minelli.
“Lahat na yata ng barangay singing contest nasalihan ko na, may panalo pero meron ding talo. Pero ang pinakamahalaga po, marami akong natutunan sa journey ko na ‘yun na nagsilbing inspirasyon para hindi ako tumigil sa kanyang passion,” pagbabalik-tanaw niya.
Kering-keri ni Maria na kumanta ng pop, jazz at soul na una niyang ipinakita nang sumali sa The Voice Kids Philippines noong 2014. Pagkatapos nito, nag-guest siya sa iba’t ibang networking companies at ang pinakahuli nga ay ang pagsali niya sa X Factor.
At bilang recording artist nakakuha siya ng mga award tulad ng Top Global Teen Performing Artist, 2019 Kuala Lumpur Awardee, 2019 Asia’s Music Princess mula sa Global Music, at 2019 Excellence Award Pasadong Mang-aawit sa mga Kabataan. Ini-release rin niya ang unang album na may titulong “Just Maria”.
Last year siya inilunsad bilang solo recording artist ng EMC Entertainment Inc., sa pamamagitan ng kantang “Pilit Pa Rin.” At sa Feb. 14 at 15 nga ay gaganapin na ang kanyang solo dinner concert na “First Love” kung saan muli niyang ipakikita ang kanyang versatility sa iba’t ibang music genre.
Ang “First Love” ay gagawin sa Iagos Restaurant sa Tomas Morato, 7 p.m. ang dinner habang ang concert ay magsisimula ng 9 p.m.. Ito’y ididirek ni Mannix Baja under EMC Entertainment with Hanzel Villafuerte as media communications head. For ticket inquiry, call 09266789722/09171761369/09366982077 and look for Hyacinth or Michelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.