JUDAY nagtampo sa ABS-CBN, nagplanong lumipat sa TV5
IN fairness kay Ms. Judy Ann Santos, she has maintained her star status through the years. The more that she ages, the more that she becomes more beautiful and bigger as a star.
Kasi nga, marunong mamili si Juday ng mga roles na gagampanan – hindi siya ‘yung tipo ng artista na basta na lang sunggab nang sunggab sa mga proyekto tulad ng ibang artista natin.
And her fan following ay solid. Until now ay malakas pa rin sa box-office ang kaniyang mga projects including her teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN.
Padami nang padami ang advertisements ng kaniyang soap – suffice to say that it’s rating well and is really established. But what’s this we heard lately that Juday is considering a dinner date with TV5’s big boss Manny V. Pangilinan for some possible transactions?
Matagal na raw siyang inaawitan ng kabilang istasyon pero hindi pa raw yata handa si Juday noon na gumawa ng projects outside ABS-CBN.
Pinairal daw ni Juday ang kaniyang loyalty sa Kapamilya network. Pero lately raw ay tinatabangan na raw yata ang Soap Opera Queen dahil ang kaniyang soap, though bongga naman ang rating ay inililipat-lipat ng timeslot.
Dati raw ay na-move na ito to another timeslot at ang present timeslot daw nito ay mababago na naman dahil ipapasok na ang Got To Believe nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. True ba ito?
Kaya recently ay nag-post daw sa kaniyang Twitter account si Juday – kung stay ba siya o hindi? Iyon daw ang tinutukoy ng post na iyon – kung mananatili pa ba siya sa ABS-CBN or lilipat na ng network.
Kasi nga, hurt daw siya sa situwasyon niya sa Dos. Iyon ang dinig namin. Sa ngayon ay hindi pa naman yata natutuloy ang dinner niya with MVP pero once na matuloy ito, for sure didiretso na ito sa paggawa ng shows with TV5.
Kung kailan, di pa natin alam. Sayang naman kung di kayang pigilan ng Dos na mag-stay si Juday. Sana ay magawan pa nila ito ng paraan. Let’s wish them all well.
Pero teka, hindi ba’t may balitang aalis na rin si Ryan Agoncillo sa TV5 at magpapa-exclusive na raw sa GMA 7? So, kapag natuloy si Juday sa Singko, aalis naman si Ryan? Pinagplanuhan na kaya ng mag-asawa ang hakbang nilang ito?
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.