Carla biglang tumaba dahil sa steriods; may inamin tungkol sa mga sakit | Bandera

Carla biglang tumaba dahil sa steriods; may inamin tungkol sa mga sakit

Bandera - January 31, 2020 - 12:40 AM

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ

SINAGOT ni Carla Abellana ang tanong ng fans kung bakit medyo nadagdagan ang timbang niya nitong mga nakaraang buwan.

Na-misdiagnose pala ang Kapuso actress kung saan tinurukan umano siya ng steroids ng isanh pulmonologist na naging sanhi ng kanyang pagtaba.

Sa nakaraang mediacon ng bagong primetime series ng dalaga sa GMA, ang Love of My Life, inamin niyang medyo lumobo ang kanyang katawan dahil isa nga ito sa epekto ng ibinigay na treatment para sa kanyang sakit.

Nagkaroon daw siya ng tachycardia at liver damage, idagdag pa raw ang hyphothyroidism. Sa unang pagpapagamot niya sa isang pulmonologist sinabing meron daw siyang asthma kaya binigyan siya ng oral steroids at intravenous.

Hindi naman pala ito kailangan sa kundisyon niya, “So, lalo pa pong nag-cause ng weight gain iyong steroids ko,”

Dahil sa nangyari, may mga nag-suggest kay Carla na mag-file ng pormal na reklamo, “Hindi po ako magdedemanda, pero I will just inform him and show him the test results para lang din po alam niya na…

“You know, nangyayari po talagang ganoon na may mga doctors na nagmi-misdiagnose,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Sa pagharap niya sa press kamakailan para sa media launch ng Love Of My Life, marami ang nakapansin na medyo pumayat na siya. Ayon kay Carla, maayos na ang pakiramdam niya at hindi na feeling bloated.

“Improving naman po lahat. Yung asthma po is misdiagnosis ng unang pulmonologist na pinuntahan ko.

“Ang tachycardia, hindi po namin tini-treat, pero kapag medyo alarming po siya at sunud-sunod, kailangan ko pong bumalik ng cardiologist.

“Yung liver ko po is okay na po, within normal range na po iyong liver profile ko. Yung hyphothyroidism, we will start treating po this month, or February.

“Kasi, hindi muna namin ginamot since nagkaroon po ako ng liver damage dahil sa gamot ko,” mahabang paliwanag ng girlfriend ni Tom Rodriguez na kasama rin sa Love Of My Life.

Sa hiwalay namang interview kay Carla, sinabi nitong dedma lang siya sa mga body shamers sa social media. Ang mahalaga sa kanya, naise-share niya sa mas maraming tao ang kanyang karamdaman at kung paano ito iha-handle.

“It’s also good na i-explain mo kung bakit, para they know what is causing the weight gain. And then, it’s also a way for other people to know more about the illnesses.

“Marami pong nag-reach out sa akin na may mga ganoong sakit din sila. Ito po iyong doktor na pinupuntahan nila, ano yung mga gamot na tini-take ko.

“So, okay po na nakapag-share kami sa isa’t isa ng tips and advice from our own doctors,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, excited na si Carla sa pagbabalik-tambalan nila ni Tom sa Love of My Life na magsisimula na sa Feb. 3 sa GMA. Ibang-iba naman daw ito sa mga nakaraan nilang projects kaya dapat abangan ng manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending