Andrea extra-extra lang noon: Ngayon po matatapos na ang bahay ko | Bandera

Andrea extra-extra lang noon: Ngayon po matatapos na ang bahay ko

Alex Brosas - January 31, 2020 - 12:15 AM

ANDREA BRILLANTES

Super thankful si Andrea Brillantes for being part of Kadenang Ginto.

Itsinika niya kung bakit sobra siyang nagpapasalamat sa number one afternoon teleserye ng Dos.

“Gusto ko pong magpasalamat sa show na ito kasi bago po ito dumating itong Kadenang Ginto sa akin ay medyo lost po ako noon.”

“Sobrang nagdadasal ako kay Lord, ‘Lord sana bigyan ninyo ako ng show kung saan mapapatunayan ko talaga ang acting ko. Bigyan n’yo lang po talaga ako ng blessing at opportunity and promise hindi po kayo magsisisi na binigyan ninyo ako ng opportunity. Ibibigay ko po talaga lahat sa blessings na ito, Lord.

“Nasa kama lang ako noon tapos parang sobrang empty ko kasi wala pa akong show, wala pa akong raket, kailangan ko ng pera kasi ako ang breadwinner sa amin. Kailangan kong mag-ipon.

“So medyo nae-empty-han po ako. Nanonood ako ng K-Pop. Lahat sila nagpe-perform sa stage so parang nainggit ako. Gusto ko nang mag-perform, gusto ko nang umarte. Lumuhod pa talaga ako noon at umiyak, ‘Lord, please, sana po bigyan ninyo ako ng chance,” she narrated.

And then she was offered a role sa Kadenang Ginto, “Nasimulan ko na ang bahay ko. Ngayon, malapit nang matapos ang bahay ko sa April. Dati po kasi extra-extra lang po ako. Wala akong sariling tent, wala akong upuan. Pero alam ko talaga na gusto kong magkabahay para sa pamilya ko.”

Next week na magtatapos ang Kadenang Ginto. Umabot ito ng 160 weeks sa ere.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending