Yam handa na sa galit ng fans ni Kim; mas matindi ang pasabog sa 'Love Thy Woman' | Bandera

Yam handa na sa galit ng fans ni Kim; mas matindi ang pasabog sa ‘Love Thy Woman’

Ervin Santiago - January 27, 2020 - 12:01 AM

ANG kawalan ni Erich Gonzales ay swerte naman ni Yam Concepcion.

Maraming nagsasabi na naka-jackpot na naman si Yam sa bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Love Thy Woman kung saan gaganap siyang kontrabida ni Kim Chiu at kaagaw nito kay Xian Lim.

Kay Erich unang inalok ang project, pero bigla itong nag-backout kaya napunta ito kay Yam. At base sa trailer ng Love Thy Woman, siguradong magmamarka na naman ang role ni Yam sa manonood tulad ng role niya sa Halik bilang si Jade.

“Siyempre, masaya kasi may project ako. Magandang opportunity ito for me to able to work with mga beteranong aktres, aktor. Kumbaga, it’s an honor na makatrabaho ko sila,” ani Yam sa panayam ng ilang reporter sa ginanap na “LTW” mediacon mula sa Dreamscape Entertainment.

Ayon kay Yam, bagong challenge na naman ito sa kanya bilang aktres. And of course, may pressure pa rin sa kanya ang proyekto dahil nga sa tindi ng nagawa niya bilang Jade sa Halik kung saan nakasama niya sina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen Santos.

Nanalo pa nga siya rito ng best TV actress sa Box-Office King and Queen Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation. Kaya sey ng dalaga, kailangang ibang Yam naman ang mapanood ng madlang pipol sa Love Thy Woman.

“Alam mo, sobrang ano, grabe yung investment ko do’n sa character na Jade, parang nadala ko yata siya. So feeling ko, pag napapanood ko yung mga interview ko after ng Halik sabi ko, ‘Parang hindi ako yan, ah.’ Parang may Jade pa ring halo.

“But siguro ngayon medyo nawala na nang konti si Jade sa personality ko, pero of course hindi ko pa rin siya kinakalimutan kasi ang laking tulong niya talaga sa career ko talaga. And na-enjoy ko talaga portraying the character,” pahayag pa ng aktres.

“Dito sa Love Thy Woman, iba naman yung ginagawa kong character. Siguro may konting halong Jade pa din na little bit but hindi completely nandoon,” aniya pa. At siguradong handa na rin si Yam sa galit ng fans ni Kim kapag nagsimula na ang kasamaan niya sa serye.

Magsisimula na ngayong February ang Love Thy Woman na siyang papalit sa malapit nang magtapos na Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold.

Ka-join din dito sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, at Eula Valdes, sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Jerry Lopez Sineneng at Andoy Ranay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending