DEAR Ateng Beth,
Matagal ko na pong kinakasama ang dating boyfriend ng best friend ko.
Matagal na rin kaming hindi nag-uusap ni best friend kasi nga ang akala niya ay inagaw ko sa kanya ang boyfriend niya, na ngayon ay BF ko na.
Noon ko pa ipinaintindi sa kanya na wala na sila noong naging kami. Nagpaalam pa nga ako sa kanya na nanliligaw sa akin ‘yung ex niya, at sabi pa niya ay okay lang.
Pero anim na taon na ay di pa rin kami nagkakabati, miss na miss ko na po siya.
Okay naman kami ng kinakasama ko at may three-year-old na kaming anak.
Gusto ko siyang kausapin pero di ko po alam kung paano ko siya lalapitan.
Mercy, Caloocan City
Dear Mercy,
Salamat sa liham mo.
Maraming ganitong kaso ng magbe-bestfriend na di nagkakaintindihan dahil sa mga komplikadong relasyon.
Pero, susme naman, sabihan mo ‘yung friend mo na mag-move on na! Ang tagal nung six years, ha? May maliliit na tao na ngang nabuo, ikaw kamo, dala mo pa rin yang sama ng loob mo.
On the other hand, hindi rin naman natin matatawaran ‘yung sakit na naramdaman niya. For all we know, baka nga hindi pa rin siya nakakalagpas sa grieving stage, di ba? Minsan madaling i-give up ‘yung dyowa kaysa sa BFF. Kaya baka naman doon siya talaga nagdamdam–na nawala ka at napunta sa failed relationship niya.
At any rate, sa six years bakit di ka nagtangkang makipag-usap sa kanya? What happened during her birthdays? Christmases? National Heroes’ Day? Labor Day? Charot lang! I mean, di mo ba naisipang padalhan siya ng gift o kahit card man lang during these special occasions?
Sa dinami-dami ng means of communication ngayon, di ka nagtangkang kausapin siya?
See my point? There are millions–okay, hundreds lang siguro–of ways to get in touch with her kung gusto mo talaga di ba? Bakit di ka kumilos? And for sure meron kayong mga common friends na pwedeng tumulay sa inyo.
Maybe, something is wrong with you, too. Maaaring nasaktan ka rin at during that past six years ay hindi mo pa matanggap na you’d hurt each other.
Pero ngayong accepted mo nagalit siya sa iyo at posibleng nagalit ka rin but now ay natutong i-accept ang reyalidad na it’s time to move on, magandang gawan mo na ng paraan iyan.
Pwede mong padaanan ng invitation kung may handaan sa inyo? O padalhan sya ng tirang handa ninyo? Gumawa ka ng chismis tungkol sa buhay mo at tingnan kung makikibalita siya.
I mean kahit huwag nyo na munang pag-usapan kung ano ang nangyari in the past. Puntahan mo siya, kamustahin, kausapin. Kung tao kang haharap sa kanya, for sure haharapin ka niya nang tama. Maraming paraan kung gusto mo talagang makipag-ayos sa kanya.
And then, kung nagawa mo na ang lahat ng paraan to win her again at ayaw niya talagang makipagbati sa iyo, hindi mo na kasalanan iyon. The ball is in her court na. Mabuhay kang payapa at mag-move on and for sure makakahanap ka ng isa pang tunay na kaibigan na di bibitiw sa iyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.