Performer inaayawan ng raket dahil sa bisyo | Bandera

Performer inaayawan ng raket dahil sa bisyo

Den Macaranas - January 24, 2020 - 12:15 AM

MATINDI na raw talaga ang tama sa utak ng isang kilalang “rakista” at kahit mga kaanak nito ay hindi na siya makausap nang matino.
Sabi ng aking cricke, halos araw-araw diumano sabog sa droga ating bida ngayong araw.
Dinadaan daw kasi nito sa bisyo ang mga problema at kabilan na riyan ay yung sinasabing kawalan ng regular na kita ng performer.
Kung ano-anong raket na raw ang pinasok nito. Pero dahil nga sa kanyang bisyo na paggamit ng ilegal na droga, ayun, madalas siyang iniiwan ng kanyang mga katransakyon.
Pera na, naging bato pa!
Minsan niyang binanatan sa kanyang social media account ang isang radio station na hindi siya inambunan kahit singkong duling. Ito ay kahit pumatok ang kanyang performance online, pero wala man lang siyang makuha mula rito.
Actually, meron naman palang pampalubag-loob na ibinigay sa ating performer: Isang award ang ibinigay sa kanya dahil mataas daw ang “views” sa Youtube ng kanyang performance na in-upload naman ng nasabing radio station.
Pero para kay rakista, walang kwenta ang award dahil mas kailangan niya ng pera.
Ang kilalang rakista na ayon sa aking cricket ay madalas mataas ang tama ay si Mr. D….as in Dugyot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending