Jake OK na ang relasyon kay Andi; gaganap na anak ni Jinggoy sa ‘Coming Home’
Kung maligayang-maligaya ngayon si Andi Eigenmann sa buhay niya sa Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at anak nilang si baby Lilo, nananatili namang single ang ex-boyfriend nitong si Jake Ejercito.
Wala pa ring girlfriend ang anak ni former President Joseph Estrada hanggang ngayon pero aniya, masaya naman daw siya sa pagiging single.
Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Jake sa presscon kahapon ng pelikulang “Coming Home” na pagbibidahan ng kapatid niyang si former Sen. Jinggoy Estrada at ni Sylvia Sanchez under Maverick Films and Line Produced by ALV Films, at dito nga niya naikuwento na maayos naman ang relasyon nila ngayon ni Andi bilang magulang ng anak nilang si Ellie.
Sey ni Jake, okay lang na wala siyang dyowa ngayon dahil mas nabibigyan niya ng panahon si Ellie na 6 years old na ngayon. At masaya raw siya na finally ay nagkakasundo na sila ni Andi pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak. “Lahat naman ng ginagawa namin ngayon we always keep Ellie in mind, para sa kanya naman talaga ang lahat ng ito.”
Speaking of “Coming Home”, ito ang first movie ni Jake at medyo awkward nga lang daw dahil gaganap siyang isa sa mga anak ng kuya niyang si Jinggoy sa kuwento. Pero aniya, ‘yun daw ang challenge sa kanila ng dating senador kaya kailangang paghandaan niya ang mga gagawin nilang eksena.
Makakasama rin sa “Coming Home” sina Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Ariella Arida, Shaira Diaz, Vin Abrenica, Julian Estrada, Janna Agoncillo, Smokey Manaloto, Almira Muhlach, Luis Hontiveros, Chanel Morales, Joko Diaz with the special participation of Geneva Cruz, directed by Adolf Alix, Jr..
Magsisimula na ang shooting nito bukas at kung papalarin, baka maging official entry pa sa first Summer Metro Manila Film Festival ngayong April.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.