Payo sa GMA: Anime lang ang magpapataob sa Probinsiyano | Bandera

Payo sa GMA: Anime lang ang magpapataob sa Probinsiyano

Alex Brosas |January 23,2020
facebook
share this

Payo sa GMA: Anime lang ang magpapataob sa Probinsiyano

Alex Brosas - January 23, 2020 - 12:10 AM

COCO MARTIN

MAY bago raw itatapat na show sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ‘yung new soap ng mga micro starlets ng GMA na sina Kate Something at Barbie Something.

May isang guy ang nag-react at laugh kami nang laugh sa kanyang suggestion.

“GMA kahit anong teleserye itapat nyo sa Ang Probinsyano matatalo pa din un.

“Tinapatan nyo na ng telefantasya, drama at action series pero talo pa din, pano nyo ba natalo ang isang napakalaking teleserye dati gaya ng

“Mula Sa Puso hinde ito nalalayo sa Ang Probinsyano dahil napakataas ng ratings na nakukuha nito at ilang taon din itong tumagal.

“Pero alam nyo ba kung ano ang tumalo sa napakalaking teleserye na un isang Anime lang.

“Ito ay ang Ghostfighter, nag experiment ang GMA na itapat ang isang anime sa teleseryeng mula sa puso at hinde cla nabigo dahil napataob nito ang malaking teleserye na un lalo na ng dumating sa episode ng toguro tournament.

“Dito lalong tumaas ang ratings ng ghostfighter dahil dun pati ibang anime na pinapalabas din sa primetime ng gma nagsitaasan din ng ratings, ang ABS kilala yan sa paggawa ng mga magagandang teleserye

“Sa GMA kilala kyo sa pagpapalabas ng mga magagandang anime, nagawa nyo na gma sumugal dati na mglagay ng mga anime sa gabe at ngtagumpay kyo bakit hinde ule kyo sumugal ngayon, hinde ung puro drama sa umaga hapon at gabe pinapalabas nyo.

“It’s time para bumalik na ang anime sa primetym, noon pag uwian na namin sa school nagmamadali kmi umuwe dhil gusto namin manood ng mga anime sa primetym,ngyon mga kabataan pguwian sa school kung san san pumunpunta bago umuwi ng bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito sa palagay ko ang pwedeng itapat ng gma na anime sa ang probinsyano, Dragonball, One Piece o Slamdunk na my mga bagong episodes na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending