Resolusyon sa pagpapalabas at dagdag na pondo sa nasalanta ng pagputok ng Taal inaprubahan na | Bandera

Resolusyon sa pagpapalabas at dagdag na pondo sa nasalanta ng pagputok ng Taal inaprubahan na

Leifbilly Begas - January 22, 2020 - 05:14 PM

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes ang dalawang resolusyon para sa paglalaan ng pondo para tulungan ang mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Nakasaad sa House Resolution 655 na bilisan ang pagpapalabas ng pondo para sa relief, resettlement, rehabilitation, livelihood, development at social programs and services sa mga nasalantang lugar.

Nakasaad naman sa House Resolution 662 ang pagsuporta ng Kamara sa pagbibigay ng supplemental budget hindi lamang para sa relief operation kundi rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta.
Inihain din kahapon ng mga kongresista mula sa Batangas ang House Bill 5998 para sa pagpasa ng P30 bilyong supplemental budget para sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkan.

Sinabi ni House Deputy Speaker Mikee Romero na mayroon lamang P16 bilyong pondo ang gobyerno ngayong taon para sa kalamidad na kulang kaya kailangang dagdagan sa pamamagitan ng supplemental budget.

“The P16-billion national disaster risk reduction and management fund, formerly calamity fund, in the national budget for this year is hardly enough even for this one calamity that has visited our people in Cavite and Batangas,” ani Romero.

Sa pondong ito ay kasama pa umano ang P3.5 bilyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City, at P5 bilyon para sa mga nasalanta ng lindol sa Davao-Socsargen regions.

“Aside from approving whatever amount the President requests for Cavite and Batangas, Congress has to augment the calamity fund,” dagdag pa ng solon. “We have to give the Chief Executive enough money to respond to calamities.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending