outbrain

Sharon nadulas sa banyo habang nagsa-shower, ulo nabagok

By Bandera January 22,2020
share this

Sharon nadulas sa banyo habang nagsa-shower, ulo nabagok

By Bandera January 22,2020
share this

SHARON CUNETA AT ODETTE QUESADA

Nabagok at nagkaroon ng fracture sa ulo si Megastar Sharon Cuneta matapos madulas sa loob ng banyo.

Pero hindi ito naging dahilan para hindi siputin ang guesting niya sa concert ng OPM icon na si Odette Quesada nitong weekend.

Ikinuwento ni Mega sa kanyang IG page na nangyari ang aksidente habang nasa loob siya ng shower room at nagpe-prepare para sa nasabing concert.

“I had just started taking a shower in preparation for the show’s soundcheck Saturday afternoon, ni wala pang sabon at kaka-on ko pa lang ng shower. I don’t know how it happened, but it was probably some soap residue that suddenly made me slip, and sa pagdulas at paupo ko, tumama ang likod ng ulo ko sa edge ng marble na parang seat sa loob ng shower na nakadikit sa wall at kung saan nakapatong lahat ng shower products namin. It really hurt.”

“I screamed, ‘Daddy!’ at salamat sa Diyos nasa room si Kiko at tumakbo sya at nagpanic nung nakita niya ako sa floor ng shower at nakahawak sa likod ng ulo ko. I insisted on going to Odette’s show. I said while Kiko held me up na mahigpit ang kapit ko sa kanya na nanginginig pa, ‘I am not letting the devil take away any more joy from me. I am singing for Odette. Mamaya na ospital!’”

Pagkatapos ng show, dumiretso na si Mega kasama ang asawa at anak na si Frankie sa St. Luke’s BGC para magpa-CT scan, “I am being closely monitored and Kiko has been texting my doc every hour almost since we got home from my CT Scan. I am on ice packs and pain killers and we are watching out for nausea, dizziness, and blurred vision.

“Please pray for me. I am so much better now but not out of the woods yet. Seeing my doctor day after tomorrow. PLEASE, Dearest Sharonians and family and loved ones – pray for me. I do try to do my work for God’s glory, always. And if all I can say to the audience is GOD BLESS YOU, that is a most sincere prayer from my heart. Kahit naka wheelchair pa basta makakakanta magcoconcert ako! I love you all,” mensahe pa ni Sharon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending