Sigaw ng fans: Sana maging GF ni Rayver si Julie Anne! | Bandera

Sigaw ng fans: Sana maging GF ni Rayver si Julie Anne!

Reggee Bonoan |January 22,2020
facebook
share this

Sigaw ng fans: Sana maging GF ni Rayver si Julie Anne!

Reggee Bonoan - January 22, 2020 - 12:10 AM

RAYVER CRUZ AT JULIE ANNE SAN JOSE

SINA Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang pinagtatambal ngayon ng GMA 7 matapos makitaan ng chemistry. Dumami ang followers ng dalawa simula nang magkasama sa Kapuso musical show na Studio 7.

Pinanood namin ang music video ni Julie Anne na kinunan sa New York City, USA na may titulong “Regrets” at naroon din si Rayver at may kilig nga ang dalawa kaya pala marami na silang supporters.

Pati ang dueto nilang “Kung Di Rin Lang Ikaw x Mundo” na kuha sa programang Studio 7 ay umani rin ng positibong komento, halos lahat ng nagkomento ay gustong maging sila.

Oo nga, maganda ang tandem nila pagdating sa concert dahil pareho silang kumakanta at sumasayaw. Ito rin marahil ang rason kung bakit sila ang laging magkasama sa mga production numbers ng All-Out Sundays.

Binasa namin isa-isa ang komento ng netizens sa YouTube kung saan naka-post ang dance number ng dalawa na halos umabot na sa 2 million views. At iisa ang gusto nila, sana maging sila na rin sa tunay na buhay kahit na nga alam nilang may Janine Gutierrez na si Rayver.

Kilala namin ang singer-actor-dancer bilang loyal partner, kung sino ang kasintahan niya ay doon lang siya naka-focus kaya siguro hanggang loveteam lang sila ni Julie Anne. Pero malay din natin, mapagbiro rin kung minsan ang tadhana. He-hehehe!

Anyway, wala bang teleseryeng pagtatambalan sina Rayver at Julie Anne na tinawang ng kanilang supporters na JulieVer? Hindi naman siguro pagseselosan ni Janine ang tambalang JulieVer, di ba, bossing Ervin? (Sure na sure ‘yan dahil parehong loyal sina Rayver at Janine! Pero malay mo nga, di ba? Ha-hahaha! – Ed) Pero in fairness, marami rin namang supporters ang tambalang Rayver at Janine.

Anyway, maganda ang exposure ng aktor sa All-Out Sundays dahil dalawa hanggang tatlong production number ang ginagawa niya bukod pa sa marami siyang spiels bagay na hindi nangyari noong nasa ASAP pa siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending