outbrain

Gov’t official ‍magaling sumalisi

By Den Macaranas January 22,2020
share this

Gov’t official ‍magaling sumalisi

By Den Macaranas January 22,2020
share this

TODO-bantay ni misis ang isang matulis na opisyal ng pamahalaan.
Bakit nga naman hindi, kahit may edad na nga naman ang kanyang mister ay super hilig pa rin daw mag-sideline si Sir lalo na sa mga matatangkad na babae.
Minsan nang nahuli ni misis ang chickboy niyang mister na may girlfriend na umbrella girl mula sa isang kilalang golf course sa Central Luzon.
Mas nakakaloka pa nga raw ay bukod pa ang girl na ito sa nauna nang ibinahay na girlfriend na nakatira lamang sa ibabang bahagi ng kanilang condo sa southern part ng Metro Manila.
Dahil na sa pagiging chickboy ni Sir ay halos oras-oras siyang tinatawagan ng kanyang mala-gwardya-sibil na misis para lamang alamin kung nasaan ito at kung ano ang kanyang ginagawa.
Pati ang daily schedule ni Sir ay may kopya si misis para pin-pointed kung saan man nagpupunta ang bida nating opisyal ng pamahalaan.
Kulang na lang ay lagyan ng GPS ni misis ang sasakyan ng kanyang mister!
Pero sa kabila nang mahigpit na pagbabantay ni kumander ay nagagawa pa ring makasalisi ng nasabing opisyal.
Paminsan-minsan ay kailangan daw niyang mag-relax para mawala ang stress sa katawan at ang paborito niyang relaxation ay matatagpuan sa piling ng kanyang mga chiching.
Kilalang hardworker si Sir at in fairness, isa ang pinamumunuan niyang tanggapan sa mga top performer ng Duterte administration.
Ang opisyal ng pamahalaan na todo-bantay ng kanyang misis ay si Mr. A….as in Arriva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending