outbrain

Veteran actor adik sa botox, hindi na gumagalaw ang mukha kapag umaarte

By Cristy Fermin January 21,2020
share this

Veteran actor adik sa botox, hindi na gumagalaw ang mukha kapag umaarte

By Cristy Fermin January 21,2020
share this

MARAMING nagpapatotoo na mas banidoso ang mga kalalakihan kesa sa mga babae. Mas conscious kuno ang mga lalaki sa kanilang itsura kesa sa mga kababaihan.

Pinatunayan ‘yun ng mga impormanteng nagtatrabaho sa mga skin clinic, mas maraming lalaki raw ang kostumer nila kesa sa babae, mas madalas din silang magpa-facial at magpa-scrub kesa sa mga babae.

Kuwento ng isang source, “Maraming artistang vain. Lalo na ang mga nagkakaedad na, du’n mas lumulutang ang pagiging banidoso nila!

“Akala kasi ng iba, e, babae lang ang vain, kung alam lang nila na mas matindi ang pagiging vain ng mga kalalakihang personalities!

“Tulad nu’ng isang male personality na ilang beses nang nagpapa-botox. Halatang-halata naman ‘yun dahil kapag umaarte siya, e, parang nawawalan na siya ng emosyon.

“Hindi na kasi gumagalaw ang face niya, lalo na ang noo niya, nawawala na tuloy ang reaction na ibinibigay dapat sa eksena dahil nga sa pagpapa-botox niya!” umpisang kuwento ng aming source.

At hindi lang basta ganu’n, sa mga location ng produksiyon para sa seryeng may mahalagang papel siyang ginagampanan ay kitang-kita rin ng kanyang mga katrabaho ang iniiwasan niya, ang mababad sa initan.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n pala ‘yun? Bawal siyang mainitan, kaya kapag day effect ang kinukunan, e, pinapayungan pa siya ng PA niya.

“Bawal sa kanya ang matagal na mainitan ng araw, kailangang may panglaban siya, kaya mahalagang-mahalaga bilang props niya ang payong! Kahit saan siya magpunta, maliban na lang kapag gabi na, e, palagi siyang may dala-dalang payong sa set.

Okey lang naman kung mahalata na ang mga pileges niya, hindi na naman siya talaga bata, nagkakaedad na siya talaga. Bakit kailangang itago ang tunay niyang edad, e, tumatanda na naman siya talaga?

“Alangan namang sa age niyang ‘yan ngayon, e, magmukha pa siyang bagets, di ba? Kalokohan naman ang ganu’n! Ano siya, milagroso?

“Kailangan niyang tanggapin na darating talaga siya sa pagtanda. Alangan namang nagkakaedad na ang mga kasabayan niya, pero siya, e, mukhang bagets pa rin!

“Ayaw ng mga general ng ganu’n, di ba? Kahit ang daughter niya, hindi kumbinsido sa ganu’n!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na ba kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending