MAGSASAGAWA ng sesyon ang Kamara de Representantes sa Batangas sa Miyerkules.
Sa pagbubukas ng sesyon noong Lunes, inaprubahan ng Kamara ang mosyon ni House Majority Leader Martin Romualdez na magdaos ng sesyon sa Batangas City Convention Center.
Bago ito ay nagsalita si Speaker Alan Peter Cayetano upang hikayatin ang mga kapwa kongresista na tuparin ang pangako ni Pangulong Duterte na gagawing komportable at ligtas ang buhay ng mga Pilipino.
Hiniling din ni Cayetano na panatilihin ang sipag na ipinakita ng mga mambabatas upang agad na maipasa ang mga batas na kinakailangan ng bansa.
“And in this regard, we will be giving full support to all of our committees and committee chairpersons, so that we will be able to do more in these next eight weeks. We have partnered with the
Duterte administration to give people a safe and comfortable life. ‘Yan po ang sinabi ng ating Pangulo—safe and comfortable life. Isang komportable at ligtas na buhay para sa lahat ng Pilipino,” ani Cayetano.
Nagpasalamat din si Cayetano sa mga agad na rumesponde sa mga nangangailangan ng pumutok ang bulkang Taal.
“Sa lahat ng ating kababayan na nagdadasal, sumuporta, nagbibigay, this is a challenge for Congress to not only deal with the Taal Volcano eruption, but to come up with long-lasting, reliable solutions, programs, mechanisms to address disaster and calamity.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.