Dingdong, Juday kanya-kanyang diskarte sa pamimigay ng tulong sa Taal victims | Bandera

Dingdong, Juday kanya-kanyang diskarte sa pamimigay ng tulong sa Taal victims

Jun Nardo |January 18,2020
facebook
share this

Dingdong, Juday kanya-kanyang diskarte sa pamimigay ng tulong sa Taal victims

Jun Nardo - January 18, 2020 - 12:40 AM

DINGDONG DANTES

Para-paraan ang mga artista sa pagtulong ngayon sa mga nasalanta ng Taal volcano eruption.

Si Judy Ann Santos, reusable plastic containers ang pinaglagyan niya ng relief goods dahil magagamit pa ito ng mga evacuees sa ibang paraan.

Kesa nga naman sa mga plastic bag na salot pa sa environment. Ang mga plastic container pwede pa nilang i-recycle at gamiting imbakan ng tubig at iba pang gamit.

Dumayo naman si Dingdong Dantes sa Balayan, Batangas para mamigay ng tulong. Nakasuot siya ng camouflage outfit gaya ng costume niya sa upcoming Kapuso series na Descendants of the Sun.

Anuman ang paraan, ang mahalaga ay tumutulong. Hindi issue kung maliit o malaki ang nai-donate mo o kung timba-timba o truck-truck relief goods na dala n’yo, ang importante you have a sincere heart na tumulong at hindi pakitang-tao lang.

Wag ding pansinin ang mga basher at troll sa social media na walang ginawa kundi ang manglait at magbantay lang buong araw kung sinu-sinong mga celebrity ang tumulong na at hindi pa.

Hindi naman sila nakakatuong, ‘no?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending