Payo ni Rachelle Ann sa lahat ng single lady: Mas ok pa rin ang kasal muna kesa live-in | Bandera

Payo ni Rachelle Ann sa lahat ng single lady: Mas ok pa rin ang kasal muna kesa live-in

Reggee Bonoan |January 18,2020
facebook
share this

Payo ni Rachelle Ann sa lahat ng single lady: Mas ok pa rin ang kasal muna kesa live-in

Reggee Bonoan - January 18, 2020 - 12:10 AM

MARTIN SPIES AT RACHELLE ANN GO

TAWA nang tawa si Rachelle Ann Go nang kulitin ng members of entertainment media kung kailan ang kasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Alam na ng Broadway singer ang lahat ng detalye tungkol sa engagement ng dalawa bago pa man ito bumandera sa social media. Regular daw kasi ang kanilang komunikasyon kahit matagal na silang hindi nagkikita.

Nakatsikahan namin si Rachelle Ann sa pocket presscon para sa kanyang “The Homecoming” concert sa Marriot Hotel, Resorts World Manila sa Peb. 14. Makakasama niya rito sina Lea Salonga, Zephanie at Erik Santos with Manila Philharmonic Orchesta mula sa direksyon ni Paul Basinillo handog ng Cornerstone Entertainment/Music.

Going back to Sarah G, natanong si Rachelle kung totoong sa March, 2020 na ang kasal ng kaibigan, “Sino nagsabi? Yung mga news lang ‘yan. Hintayin natin silang magsalita,” tumatawang sagot ni RAG.

“Ayoko nga, hintayin n’yo na lang na sila ang magsabi. Ha-hahaha!” tumawa pang sabi ng International Theater Diva nang kulitin namin.

Uuwi ba siya sa kasal nina Sarah at Matteo? “Ang tanong po, kung imbitado ba ako. Ha-hahaha! Because I’m doing a show out there, mahirap po talaga makatakas sa show du’n.

“Hopefully, payagan. Kung this year man, I don’t know,” saad pa niya.

Sabi namin, tiyak invited siya dahil malapit siyang kaibigan ni Sarah. Hihintayin na lang daw niya ang imbitasyon.

“Constant naman ang communication namin, which I appreciate. Kasi kahit malayo, talagang nandun yung friendship,” sabi pa niya.

Matatandaang 16 years na silang magkaibigan ni Sarah, isama pa sina Erik Santos, Mark Bautista at Christian Bautista na nabuo noong nasa ASAP pa sila para sa grupong The Champions.

Nagkahiwa-hiwalay lang sila nang lumipat ang iba sa GMA 7.

Nitong Nobyembre inanunsyo nina Sarah at Matteo ang kanilang engagement, pero base sa pambubuking ng bunsong kapatid ng aktor ay 2018 pa pala ito nangyari.

Ano ang alam ni Rachelle Ann tungkol dito? “Hindi ko na hinintay pagdating ko rito. Kahit nasa London ako, alam ko lahat ng nangyayari. Ikinuwento niya naman po sa akin lahat. Ayoko na magdetalye kasi baka hindi naman niya nasabi, tapos sasabibihin ko. That’s her story.”

Hindi pa raw nakakausap ni Rachelle Ann si Matteo, though nagkakilala na sila noon, “Kasi nu’ng naging sila yata, wala na ako rito. I really don’t know him. But I trust Sarah’s instincts as well,” say ng mang-aawit.

Samantala, two years palang kasal si Rachelle Ann sa American businessman na si Martin Spies at hindi naman niya itinanggi na may mga pagkakataon ding nagdidiskusyon silang mag-asawa pero tungkol lang sa maliliit na bagay.

“Little things, example paghugas ng pinggan, ganyan. Kaya ina-advise ko talaga, it’s good to marry someone first before live with them kasi nangyayari po niyan, nagiging fast-forward ‘yung mga bagay-bagay.

“When you live with someone outside of marriage, ‘ay ayoko na, na-discover ko na ayaw ko pala siya matulog, ayaw ko ‘yung cleanliness niya sa bahay, break na kami.’ And then, talo ang babae, so ako talaga I’m very grateful to live with this time kasi kasal kami.

“We don’t have a choice, we have to live together kahit nag-aaway kami, kahit na matutulog ka na, ayaw mong kausapin kasi galit ako because of your pride. You have to change that, ‘yun talaga ang inaano (tinanggal) sa akin ni Lord, pride at kailangan maging patient ka and that’s how you will grow and you know, you’re a team.

“Alam n’yo importante talaga na ang mapapangasawa ninyo, maka-Diyos kaya sa lahat ng single ladies out there, you have to choose a Godly man sobrang importante because life is already complicated, feeling ko kapag hindi kayo parehong ng faith, medyo magulo po talaga,” pahayag ni RAG.

Kaya ang payo niya sa mga dalagang wala pang asawa, “To all the single ladies out there, there’s no such thing as the one, you have to be the one for that person, you have to prepare yourself to be the one.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya huwag kayong magmadali. Akala natin kasi nag-iisa tayo, kailangan natin ng kasama sa buhay, don’t waste your time dating people, you have to really spend time with yourself, with you being single, enjoy that moment kasi once your married, married ka na,” payo pa ng singer-actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending