| Bandera

Madam Sophia |January 18,2020
facebook
share this

Madam Sophia - January 18, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Kung makatatanggap ka sa araw na ito ng regalo na kulay red o kaya’y nakabalot sa kulay pulang wrapper tiyak ang magaganap sa buong taong ito ng 2020 susuwertehin ka sa career, sa salapi at sa pag-ibig. Markahan ang 6, 8, 12, 24, 37, at 45. Bukod sa red ang purple ay buenas din. Swerte sa initial na T. at Y.

Aries – (Marso 21-April 19)-  Basta’t nilakasan mo ang iyong loob, tuloy-tuloy ka ng uunlad at yayaman. Sa lovelife, lalong lalakas ang karisma kung laging magsasasama sa kaibigang Scorpio. Markahan ang 2, 10, 25, 34, 43, at 48. Green at pink ang buenas. Swerte sa initial na W. at R.

Taurus – (April 20-May 20)    – Sa taong ito ng 2020 piliting makaipon ng maraming pera para sa kinabukasan ng pamilya. Sa lovelife, ngayon pa lang pag handaan na ang pagdating ng isang kasuyong Virgo. Markahan ang 1, 10, 28, 38, 40 at 45. Silver at violet ang buenas. Swerte sa initial na G. at F.

Gemini – (May 21-June 21)-  Sa lovelife, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo. Maawa ka naman matagal na siyang umaasa sa iyo at natitigang, diligin mo siya ng pag-ibig at pagmamahal. Sa pinansyal, malaking halaga ng salapi ang biglang mahahawakan sa  buwan ng Pebrero. Markahan ang 1, 14, 23, 34, 43 at 47. White at gray ang buenas. Swerte sa initial na A. at O.

Cancer – (June 22- July 22)  –  Malaking halaga ng salapi buhat sa malayong lugar ang hindi inaasahang matatanggap. Sa lovelife, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo ng hinihintay. Markahan ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Beige at green ang buenas. Swerte sa initial na P. at D.

Leo – (July 23 – August 22)-   Kakaibang sigla ang iyong madarama. Ito ay nagpapahiwatig na sa buong taong ito ng 2020, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Sa lovelife, ibuhos ang tiwala sa kasuyo upang wag masira ang relasyon. Markahan ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Magenta at gold ang buenas. Swerte sa initial na I. at G.

 Virgo – (August 23 – September 22)-  Nahuhulog ang bunga sa sanga kapag sorbang dami na. Pero ang kapalaran mo ay kakaiba, habang dumarami ang suwerte at magagandang kapalaran, dating at dating pa rin, hanggang sa lalo ka pang suwertehin. Kapag maraming-marami ka ng suwerteng natatanggap, ipamigay ito sa mga mahihirap, upang lalo kang sumagana at lumigaya. Markahan ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na R. at B.

Libra – (September 23-October 23) -Nanlalamig ang kasuyo painitin siya sa pamamagitan ng romansa, sipagan pang lalo ang pakikipagniig. Sa pinansyal, habang umiigting ang libido lalo namang lalago ang  kabuhayan.  Markahan 3, 18, 27, 37, 42 at 44. Pink at violet ang buenas. Swerte sa initial na C. at U.

Scorpio – (October 24 – November 21)   –   Sa lovelife, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, wag sayangin ang salapi sa mga taong hindi mo naman masyadong kakilala. Mas mainam kung higit mong ipapriority ang iyong mga kadugo at kapamilya. Markahan ang 3, 18, 30, 33, 38 at 45. Red at maroon ang buenas. Swerte sa initial na F. at B.

Sagittarius – (November 22 – December 21)- Kung medyo nabwasan ang ipon mo nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, wag malungkot sa taong ito ng 2020, lalo pang darami ng darami ang pera at ang mga biyaya, dahil ang taong ito ay itatala bilang isa sa pinaka-mapalad mong taon.  Markahan ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Beige at magenta ang buenas. Swerte sa initial na J. at D.

 Capricorn – (December 22 – January 19)-Hindi dapat mamahinga ubusin ang araw at oras sa pagta-trabaho. Sa ganyang paraan lalo kang uunlad hanggang sa marating mo ang matagal mo ng pangarap na pagyaman. Sa lovelife muling kalingain ang kasuyong Cancer. Markahan ang 6, 9, 28, 33, 40 at 45. Lilac at blue ang buenas. Swerte sa initial na M. at A.

Aquarius – (January 20 – February 18)- Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa pinansyal, sa buwan ng Pebrero hanggang Marso magsisimula ng umangat ang kabuhayan.  Mapalad ang 7, 16, 28, 31, 42 at 49. White at blue ang buenas. Swerte sa initial na L. at D.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)  – Ngayon pa lang iplano na ang Valentine date. Muling balikan ang mga lugar na una nyo nang pinuntahan ng kasuyo. Sa pinansiyal, may isang higit na mas mahalaga sa salapi, ang sama-sama at nagmamahalang pamilya. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 38 at 47. Old rose at pink  ang buenas. Swerte sa initial na M. at V.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending