Ingatan ang yong kotse, bahay mula sa ashfall | Bandera

Ingatan ang yong kotse, bahay mula sa ashfall

Ira Panganiban |January 17,2020
facebook
share this

Ingatan ang yong kotse, bahay mula sa ashfall

Ira Panganiban - January 17, 2020 - 12:15 AM

ILANG araw na bumabagsak ang ashfall mula sa eruption ng Taal Volcano at siguradong madaming kotseng natabunan o natakpan nito. Kaya dapat ingatan ang paglinis ng mga auto natin ngayon.
Ang ashfall ay hindi alikabok. Ito ay nadurog o napulbos na bato o buhangin na galing sa eruption ng bulkan. Ang malaking bahagi ng ashfall ay silica, ang pinanggalingan ng salamin. Magaspang at matigas ang ashfall. Malakas itong makagasgas.
Kung natakluban ng ashfall ang kotse mo, huwag punasan ang katawan o kaha. Gumamit ng detergent o shampoo muna para padulasin ang kaha at ashfall sa kotse. Pagkatapos ay gamitan ng power hose para maalis ang ashfall.
Sa windshield, huwag gamitin ang wiper. Paliguan din ng car wash shampoo bago tirahin ng power hose. Siguraduhing linisin ang wiper blades bago ito gamitin.
Sa mga joints ng kotse ay palagyan ng langis o grasa para masiguro na neutralized ang buhanging dala ng ashfall.
Ito ay sa may pinto, wiper motors, sa gulong at preno. Ipalinis o palitan na rin ang air filters ng makina.
Oo pala, kung ang bubong ng bahay mo ay napuno rin ng ashfall, linisin agad ito. Noong coverage namin ng Pinatubo sa Pampanga noong 1991, madami kaming bahay na nakitang gumuho ang bubong matapos ang isang linggo dahil sa bigat ng buhanging dala ng ashfall.
Kung maaari ay huwag padaanin sa gutter drain ang ashfall dahil mag-iipon ito sa ilalim at pag natuyo ay magiging sintigas ng bato at babarahan ang drainage ninyo.
Huwag po kalimutan na hindi ordinaryong bagay ang ashfall. Ito ay nagawa bunga ng matinding pressure sa loob ng bulkan na pinulbos ang mga bato sa bundok, pati na yung bundok.
Para sa mga kotse, pinakamaigi dalhin sa mga professional detailers ang auto para maiwasan ang disgrasya sa kotse ninyo.
***
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa Irie,[email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending