Popsters bibida sa ‘Tala para sa Taal’ flash mob; kikitain ido-donate sa Batangas
PARA makatulong sa mga nabiktima ng pagsabog ng Taal volcano, nag-organize ng isang charity event ang mga fans ni Sarah Geronimo.
Ibinalita ng iba’t ibang grupo ng Popsters sa social media ang proyekto nilang “Tala Para Sa Taal.” Isa itong charity flash mob kung saan lahat ng kikitain ay ido-donate sa Taal victims.
Ang “Tala Para Sa Taal Dance Flash Mob For A Cause” ay magaganap ngayong Sabado, Jan. 18 sa Luneta Park.
Narito ang kabuuang panawagan ng mga supporters ni Sarah na siyang nagpasikat ng viral song na “Tala”.
“#TALAparasaTAAL DANCE FLASH MOB. January 18, 2020, Saturday, 1:00 PM at Luneta Park.
“With registration fee of Php 100.00 (will serve as donation). Please wear pink shirt! SEE YOU ALL GUYS! — Matthew (@MerlionMatthew).”
Ayon pa sa grupo ng Popsters, “proceeds from the event will be forwarded to Philippine Red Cross.” Kasabay nito, kinarir ng fans ni Sarah ang pagpapa-trend sa #TALAparasaTAAL sa Twitter para mas maging aware ang lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal kay Sarah G.
Kamakailan ay kumalat sa social media ang Facebook post ng isang netizen na nagsabing sumabog daw ang Bulkang Taal dahil sa viral “Tala” dance challenge.
Ayon sa nasabing netizen, “TALA = TAAL! Kung hindi niyo napapansin, nauso ngayong 2020 ang sayaw na Tala. Kung mapapansin ninyo sa music video ng Tala ni Sarah Geronimo ay parang Illuminati ang mga dance steps nito at kung mapapansin mo, ang tono ng kantang tala ay parang isang ritual.
“Pag inayos mo ang salitang ‘TALA ‘ay mabubuo mo ang salitang ‘TAAL’. Sa kakasayaw natin ng Tala ay tinawag natin ang ispirito ng TAAL kung kaya’t nagising ito at nag-alburoto. Itigil na ang kakasayaw ng TALA para tumigil na din ang pagsabog ng TAAL.”
Dahil dito, na-bash nang bonggang-bongga ang netizen at sinabihang tigilan na ang pagpapakalat ng fake news!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.