outbrain

P120M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

By Leifbilly Begas January 15,2020
share this

P120M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

By Leifbilly Begas January 15,2020
share this

WALANG tumama sa P120.7 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa winning number combination na 09-04-21-34-15-37.

Inaasahang aabot sa P125 milyon an jackpot prize ng Ultra Lotto sa Biyernes.

Nanalo naman ng tig-P99,150 milyon ang 10 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,190 naman ang 662 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 13,715 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending