Walang dapat ipag-alala sa kalusugan ni Duterte sa pagbisita sa Batangas sa kabila ng ashfall-Palasyo | Bandera

Walang dapat ipag-alala sa kalusugan ni Duterte sa pagbisita sa Batangas sa kabila ng ashfall-Palasyo

Bella Cariaso - January 14, 2020 - 03:41 PM

TINIYAK ng Palasyo na walang dapat ipag-alala sa kalusugan ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Batangas na pinaka apektado ng paagsabog ng Bulkang Taal.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na wala namang payo ang doktor ng Presidente bukod sa pagsusuot ng face mask dahil sa nararanasang ashfall.

“Eh siguro, kahit ako gusto kong magsuot. Para safe tayo kung meron pang mga ash fall. Pero wala akong alam doon sa sinabi mong advice ng doctor, hindi namin napag-usapan kagabi iyon,” sabi ni Panelo.

Nakatakdang pumunta si Duterte sa Batangas para personal na makita ang tindi ng pinsalang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal at mamahagi ng tulong sa mga residente.

“Oo naman, basta nakatulog siya ng buong walong oras okay na okay iyon,” ayon pa kay Panelo nang tanungin kung hindi masamang makalanghap ng ashfall ang pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending