True ba, Julia na-bad trip kina Joshua at Janella kaya in-unfollow sa IG? | Bandera

True ba, Julia na-bad trip kina Joshua at Janella kaya in-unfollow sa IG?

Ervin Santiago |January 13,2020
facebook
share this

True ba, Julia na-bad trip kina Joshua at Janella kaya in-unfollow sa IG?

Ervin Santiago - January 13, 2020 - 08:55 PM

NA-BAD TRIP nga na si Julia Barretto kay Joshua Garcia kaya bigla na lang niya itong in-unfollow sa Instagram?

Kasabay nito, in-unfollow din ni Julia ang leading lady ni Joshua sa Kapamilya series na The Killer Bride na si Janella Salvador.

Ang mga fans and followers ni Julia ang nakapansin na wala na sa list ng mga pina-follow ng dalaga sina Joshua at Janella. 

Kapansin-pansin din na wala na sa feed ng dalaga ang mga litrato nila ni Joshua na magkasama pero naroon pa rin naman ang ilang picture nila ng binata kasama ang kanyang mga kapamilya at ilang promo material para sa dati nilang primetime series na Ngayon at Kailanman.

 

Bago ito, magkasama pa ang dating magdyowa sa presscon ng bago nilang pelikula, amg zombie movie na  “Block Z” under Star Cinema. 

Samantala, pina-follow pa rin naman ni Joshua si Julia sa Instagram pero sa mga picture nila ng dating girlfriend, mapapansin na deleted na ang mga caption ni Joshua sa lahat ng litrato nila ng ex-girlfriend.

Pero ilang netizens ang nagkomento na baka may kinalaman ang pag-unfollow ni Julia sa pagpo-post ni Joshua ng mga litrato nila ni Janella sa IG?

Kahapon kasi, nag-post si Joshua sa IG ng mga picture nila ni Janella na kuha nang mag-guest sila sa ASAP Natin To bilang bahagi ng promo para sa nalalapit na pagtatapos ng serye nilang The Killer Bride.

Caption ng aktor sa kanyang post, “I am lucky to have a friend like you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinusuan at ni-like ito ng mga fans nina Joshua at Janella, kabilang na ang bida ng TKB na si Maja Salvador na noon pa nagsasabing botong-boto siya sa loveteam ng dalawa.

Comment ni Maja, “@garciajoshuae beber naiihi na naman ako [smile with tongue sticking out emoji] ni! emma @superjanella [blowing kiss emoji].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending