outbrain

JaDine nagpakasal na sa US; may bagong bahay na nagkakahalaga ng P30M

By Julie Bonifacio January 14,2020
share this

JaDine nagpakasal na sa US; may bagong bahay na nagkakahalaga ng P30M

By Julie Bonifacio January 14,2020
share this

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

MASAYA ang fans nina Nadine Lustre and James Reid sa paglabas ng bagong piktyur nila na magkasama. Patunay lang ito na hindi totoo ang tsismis na hiwalay na sila.

Sa isang pagtitipon, hindi sinasadyang nakatsikahan namin ang isang taong malapit sa kampo ni Nadine.

Sabi niya sa amin, “Bago nila sabihin na hiwalay na ang JaDine, hintayin muna nilang magpa-annull ‘yung dalawa.”

Tanong agad namin sa aming source kung bakit naman magpapa-annull ang dalawa? Kasal na ba sila? Aniya, matagal na raw kasal sina James at Nadine. Nagpakasal daw ang dalawa sa US nu’ng ginagawa ng JaDine ang serye nilang “On The Wings of Love.”

Pero teka, kung sa US sila nagpakasal, dapat divorce at ‘di annulment. Tama naman daw, sabi ng aming source.

Ito raw ang dahilan kaya malakas ang loob nina Nadine at James na amining nagli-live in na sila. Kaya ang bahay na tinitirhan ni James sa isang posh subdivision sa Kyusi ay conjugal property na nila ni Nadine.

Tsika pa ng source namin, inaayos daw yung bahay nima James at Nadine sa Quezon City at nagliligpit sila ng ilang gamit in preparation sa paglipat nila sa bago nilang lovenest sa isang condo sa Makati City.

And take note, worth more or less P30 million daw ang bagong condo unit ng JaDine.

Wowwww!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending