‘Maiingay ang mga bangkay na nasa morge, nag-uusap-usap din sila!’- Yam Laranas
MAY bago na namang horror movie ang kilalang direktor na si Yam Laranas na mapapanood na sa Enero 22, ang “NightShift”.
Pagbibidahan ito ni Yam Concepcion produced by Viva Films, Alliud Entertainment at Imagine Per Second.
Ang “NightShift” ay ibinase ni direk Yam sa nabasa niya sa New York Times mula sa panayam kay Dr. Sam Parnia M.D., Ph.D, British associate professor of Medicine sa New York University Langone Medical Center.
Kuwento ng direktor, “Nag pep talk siya, 2010 and he became popular, ang sabi niya kapag namatay daw ang isang tao at na-prove na ito ng lahat, na kapag namatay ang unang nawawala ay ang vital organs tapos katawan natin.
“But surprisingly at maraming hindi nakakaalam na after you die pala, meron pang brain activity for 5 minutes or 10 minutes sometimes even longer kaya nire-research niya kung gaano katagal.
“Kaya pala kapag na-revive ‘yung tao galing sa pagkamatay, may kuwento na, ‘alam n’yo na nu’ng pina-pump n’yo ako at inoperahan n’yo ako nu’ng nadoon ako sa OR (operating room), nakikita ko kayong lahat.’
“So, saan galing ‘yun? Galing ‘yun sa sub-consciousness sa mind ng tao pero depende sa interpretation ng religion, but according to the research, buhay ‘yung brain mo. The part of the brain at the back when you die nag-electrical impulses nagki-create ng parang flashes of light kaya pala nakakakita ng light at the end of the tunnel. That’s the research right now and on going pa rin ‘yan,” ani Direk.
At para sa karagdagdang impormasyon ay kinontak ni direk Yam si Dr. Parnia tungkol sa kanyang research at ibinigay lahat ng materyales na kakailanganin para sa pelikula.
Si Yam ay isang nurse at assistant siya ng head pathologist ng hospital na ginagampanan ni Michael de Mesa.
Kuwento pa ni direk Yam, “Ang kuwento po nito ay nagkakaroon ng signs of the beginning of the apocalypse. Ito ang naramdaman ni Yam as Jessie, isang nurse na nag-night duty kasi ‘yung kapalit niya hindi nakarating kasi may bagyo. “So, nangyari ito sa isang buong magdamag. Sa mga naniniwala mayroon daw trumpet sounds, mayroong dead moving at nag-iisa lang siya. So ang tanong, what if lahat ng patay that surrounds her ay hindi pa pala technically dead?” ani Direk Yam.
Nabanggit din ng direktor na lahat ng patay na nasa morge ay maiingay base sa research, “Akala ninyo tahimik sa morgue? Maiingay sila, may mga communication sila na sila-sila lang ang nakakaintindi.”
Sa kabilang banda ay si Yam lang ang napiling gumanap na Jessie ayon kay direk Yam dahil bagay sa aktres ang karakter niya at ibinase niya ito sa mga napanood niyang pelikula at TV series ng dalaga.
Si Yam naman ay matatakutin pero dahil sa ganda ng script ay napapayag siya ni direk Yam.
Forte talaga ni Direk ang horror dahil halos lahat ng ginawa niya ay nagkaroon ng award tulad ng “Aurora” (2018), “The Road” (2011), at “Sigaw” (2004), na nanalo pa ng Special Award sa Brussels International Festival of Fantasy Film (BIFFF).
Isa pang partikular si direk Yam ay ang musikang ginagamit niya sa pelikula o sound effects dahil kailangan madadala nito ang audience kaya muli niyang kinuha ang serbisyo nina Oscar Fogelström at Albert Michael Idioma.
Magkakaroon ng premiere night ang “NighShift” sa Enero 20 sa SM Megamall cinema 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.