'Awang-awa kami kay Zaijian sa Story Of My Life' | Bandera

‘Awang-awa kami kay Zaijian sa Story Of My Life’

Alex Brosas |January 13,2020
facebook
share this

‘Awang-awa kami kay Zaijian sa Story Of My Life’

Alex Brosas - January 13, 2020 - 12:10 AM

WATCHED Zaijian Jaranilla’s portrayal of Rex, isang binatilyong uhaw sa pag-iintindi at pagmamahal sa kauna-unahang digital series niya na “Story of My Life” na napapanood na ngayon sa iWant.

Rex (Zaijian) is a loner na uhaw sa attention ng kanyang ina na laging pinapaboran ang knayang kuya played by Vance Larena.

Awang-awa kami sa kanya noong um-attend siya ng JS prom dahil naging tampulan siya ng tukso kasi bitin ang kanyang pantalon. Inakala niyang crush siya ng kaklase niya pero hindi pala.

Dahil sa pagpapatong-patong ng mga problema niya, magdedesisyon si Rex na mawala na lang nang parang bula mula sa mga mahal niya sa buhay. Madudurog ang puso ng kanyang mga magulang nang makahanap sila ng bangkay na pinaniniwalaang si Rex.

Sa kanilang pagluluksa, unti-unti nilang mapapagtanto na nagdulot din sila ng kalungkutan sa buhay ni Rex.

Super galing ni Zaijian bilang Rex. Maganda rin ang supporting cast at walang tapon sa mga kasama niyang sina Tart Carlos, Iyah Mina, Raul Montessa, Vance Larena, Belle Mariano at Alyanna Angeles.

Ang “Story of My Life” ay idinirek ni Barry Gonzalez III at isinulat Maribel Ilag, mula sa produksyon ng Big Reveal Digital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending