Zaijian ipaglalaban ang karapatan ng mga Aeta
SUNDAN ang makulay at inspiring na buhay ni Norman, isang binatang hinangad palawakin ang kaalaman para ipaglaban ang karapatan nilang mga Aeta ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.
Gagampanan ni Zaijan Jaranilla ang karakter ni Norman, na kabilang sa tribo ng mga Aeta, namulat agad siya sa malaking pagkakaiba sa pagtrato ng mga tao sa kanilang kultura at kulay.
Kagaya na lang nang sinapit ng kanyang amang si Roman (Jhong Hilario) kung saan pinilit itong papirmahin sa isang kasulatan na nagsasaad na hindi siya pwedeng umangat ng posisyon sa kumpanya dahil sa pagiging Aeta at dahil hindi rin siya nakapagtapos ng pag-aaral.
Kaya naman ginamit itong inspirasyon ni Norman para magpursige at maka-graduate.
Ngunit, hindi pa pala doon natatapos ang kanilang problema nang pag-interesan rin ng mga Koreano ang kanilang lupain. Paano kaya naipaglaban ni Norman ang kanyang kapwa-Aeta?
Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Bugoy Carino, Nikki Valdez at Jess Evardone. Ito’y sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.