Ai Ai: Makasalanan din ako, pero nagsisi at humingi ng tawad kay Lord... | Bandera

Ai Ai: Makasalanan din ako, pero nagsisi at humingi ng tawad kay Lord…

Jun Nardo - January 12, 2020 - 12:31 AM

AI AI DELAS ALAS

Lulusob na ngayong tanghali si Ai Ai delas Alas sa simbahan ng Quipo para magninang sa gaganaping binyagang bayan.

       Sa totoo lang, hindi kilala ni Ai Ai ang mga batang bibinyagan. Pero walang isyu ito sa kanya.

       Eh, sa tuwing kukunin siyang ninang sa anak ng kaibigan o kakilala, meron siyang notebook kung saan nakalista ang lahat ng mga inaanak niya.

       “Kapag Pasko, lahat sila may regalo. Iniisa-isa ko ang listahan kapag pumupunta sila sa akin. So, talagang kilala ko lahat ng inaanak ko, kung ilang taon na sila at kung sinu-sino ang parents nila.

       “’Yun nga lang, nawala na ‘yung notebook. Saka bihira na silang pumunta na ngayon. Malalaki na siguro ‘yung iba,” pahayag ni Ai Ai sa media launch ng movie niyang “D’Ninang” ng Regal Films.

Narito naman ang mensahe ni Ai Ai sa kanyang haters, “Sa mga bashers sa twitter kahit wala akong twitter [face with tears of joy emoji]…..Kay God kayo mag-explain, huwag sa akin dahil nag-share lang ako ng Kanyang mga salita na nakasulat sa Bibliya….kung sakaling dumating ang panahon na maliwanagan na ang mga isip ninyo, willing ako na maging NINANG nyo at tutulungan ko kayo na ituro sa inyo ang tamang daan patungo kay Lord.

“Hindi ko naman itinatanggi NA MAKASALANAN AKO MADAMI AKONG PAG KAKAMALI NOON pero ang mahalaga, tinanggap ko ang AKING mga kasalanan, mga pag kakamali…nagsisi ako at humingi sa Kanya ng kapatawaran AT NAG BAGONG BUHAY … GOD is a forgiving GOD … GOD BLESS EVERYONE [green heart emoji] TO GOD BE THE GLORY.”            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending