Zaijian lalabanan ang depresyon, bullying sa 'Story Of My Life' ng iWant | Bandera

Zaijian lalabanan ang depresyon, bullying sa ‘Story Of My Life’ ng iWant

Ervin Santiago - January 12, 2020 - 12:03 AM

ZAIJIAN JARANILLA

             

NAPAPANAHON ang pagpapalabas ng bagong iWant series na “Story Of My Life” na tumatalakay sa buhay ng isang teenager na napapaisip nang magpakamatay dahil sa mga hinaharap na problema.

Malungkot, mag-isa, at laging binabalewala ang teenager na si Rex, ngunit ano ang kanya niyang gawin kapag hindi na niya makayanan ang bigat ng dinadala?

Samahan ang dating child star na si Zaijian Jaranilla sa pagganap niya bilang isang binatilyong uhaw sa pag-iintindi at pagmamahal sa kauna-unahang digital series niya na “Story of My Life,” na napapanood na ngayon sa iWant.

Napanood na namin ang unang episode nito sa ginanap na special screening kamakailan sa ABS-CBN na dinaluhan ni Zaijian at in fairness, wala pa ring kupas ang galing niya sa pag-arte. 

Nandoon pa rin ang kakaibang karisma niya na minahal ng madlang pipol sa kauna-unahan niyang teleserye sa Kapamilya Network, ang May Bukas Pa.

Maraming eksena si Zaijian sa “Story Of My Life” na para siyang batang Piolo Pascual lalo na sa kanyang mga drama moments. May mga anggulo rin siya na kahawig niya si Papa P noong nagsisimula pa lang ang aktor.

Iikot ang bagong iWant original drama series sa mahiyain at mapag-isang si Rex (Zaijian), na madalas ay pinapabayaan ng kanyang ina dahil sa pagtuon nito ng pansin sa kanyang kuya.

Tila walang tigil ang palpak sa buhay ni Rex, at magiging tampulan pa siya ng tukso dahil sa isang nakahihiyang insidente sa prom sa eskwelahan. 

Sa kabila nito, mabibigyan ng pag-asa si Rex ng crush niyang kaklase na mahuhulog ang loob sa kanya, hanggang sa iwan siya nito nang luhaan.

Dahil sa pagpapatung-patong ng mga problema niya, magdedesisyon si Rex na mawala na lang nang parang bula mula sa mga mahal niya sa buhay.

Madudurog ang puso ng kanyang mga magulang nang makahanap sila ng bangkay na pinaniniwalaang si Rex. Sa kanilang pagluluksa, unti-unti nilang mapapagtanto na nagdulot din sila ng kalungkutan sa buhay ni Rex.

Hindi magtatagal ay yayanigin sila ng mga bakas ni Rex hanggang sa aksidente nilang matuklasan ang dahilan sa likod ng pagkawala nito.

Ang “Story of My Life” ay idinirek ni Barry Gonzalez III at isinulat Maribel Ilag, mula sa produksyon ng Big Reveal Digital. Tampok din sa serye sina Tart Carlos, Iyah Mina, Raul Montessa, Vance Larena, Belle Mariano at Alyanna Angeles.

Hangad ng serye ang magbigay pananaw sa mga pinagdadaanan ng kabataan, at ipamahagi ang pag-unawa at pakikiramay sa kapwa. 

Ipakikita rin dito kung gaano kalaki ang ginagampanang papel ng magulang para mapaglabanan ng kanilang mga anak ang depresyon at hindi nila maisipan ang kitilin ang kanilang buhay.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mainit pa ring pinag-uusapan ang issue ng suicide at depresyon lalo na sa mga kabataan, hindi lang sa mga ordinaryong tao kundi pati na rin sa mundo ng showbiz. Kaya nga naniniwala kaming isang eye opener ang iWant series na ito para sa bawat pamilyang Pinoy. 

Pero more than the issue of depression and bullying, siguradong makaka-relate rin ang mga kabataan sa pakilig ng kuwento ng “Story of my Life” lalo na ang mga torpe moments ni Rex sa kaklaseng nagugustuhan niya (Alyanna).

 Tiyak na pag-uusapan ang loveteam ng dalawang bagets dahil bagay na bagay sila. Pwede silang lumebel sa tambalan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin at Francine Diaz at Kyle Echarri ng Kadenang Ginto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “Story of My Life” sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending