Dapat na nga bang bawiin kay Vice Ganda ang titulomg Unkabogable Star? | Bandera

Dapat na nga bang bawiin kay Vice Ganda ang titulomg Unkabogable Star?

Ronnie Carrasco III - January 11, 2020 - 12:20 AM

VICE GANDA AT AGA MUHLACH

POSTSCRIPT ito to last year’s Metro Manila Film Festival.

Kung tutuusin, binibigyang-katwiran na lang ng mga detractors ni Vice Ganda ang pagpangalawa ng kanyang kalahok na “The Mall, The Merrier” to Aga Muhlach’s “Miracle in Cell No. 7.”

Nakaungos ang Tagalog adaptation ng entry ni Aga by P6 million vis a vis sa naitalang P305 million in box-office receipts ng kay Vice Ganda.

Malayung-malayo ang figures na ito sa almost P1 billion mark ng entry ng TV host-comedian in 2018, ang “Fantastica: The Princess, the Prince and the Perya.”

Nanguna rin noong 2017 ang “Gandarrapido: The Revenger Squad” na tumalo sa “Ang Panday” ni Coco Martin.

Only in 2016 could Vice Ganda lay no claim na solely, ang pelikula niya ang itinanghal na top grosser as that year saw a collaborative work between him and Coco via “The Beauty and the Bestie.”

Tatlong magkakasunod na taon bale namayagpag si Vice until he was edged out by Aga. At sa aspetong ito nagbubunyi ang mga anti-Vice Ganda.

Kesyo panahon na raw para ibahin naman niya ang genre o uri ng kanyang MMFF entry. Why not experiment on doing drama na may touch pa rin naman daw ng pagpapatawa?

Kesyo wala na rin daw bago sa kanyang mga jokes, all recycled na paulit-ulit lang idine-deliver.

At dahil nga pumangalawa lang siya last year, marapat lang daw na isuko na niya ang bansag sa kanya bilang Unkabogable Star. Nakabog na kasi siya.

Iba ang pananaw ng ilan ukol dito. Hindi dahil kinabog siya minsan ay sunud-sunod na rin ang kapalarang sasapitin niya this year and even beyond.

Puwedeng nagkataon lang din na ang kay Aga ay batay sa isang popular na Koreanovela na nasubaybayan na. ‘Ika nga, isang pamilyar na materyal na tumagos sa puso ng mga nakapanood nito.

It could also be na isang welcome sight ang makitang muli si Aga again on the wide screen in a family-oriented drama na swak sa audience na mga pamilya rin.

It doesn’t take a single second top-grossing film to change all what Vice Ganda has achieved all these years. Kitang-kita naman na for three straight years, lagi niyang kinakabog ang kay Coco o kay Vic Sotto, even both Vic and Coco together in one previous year.

The 2019 MMFF box-office outcome of “The Mall, The Merrier” shouldn’t dampen the spirit of Vice Ganda. Bagkus ‘yun ay isang malaking hamon to reclaim his festival supremacy.

Baka nga by now ay nag-iisip na ang TV host-comedian kung anong kakaibang pelikula ang ilalahok niya this 2020, we never can tell.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending