Juday nagbalak ding layasan ang ABS-CBN: Pag may tampo ka, yung ayoko na! | Bandera

Juday nagbalak ding layasan ang ABS-CBN: Pag may tampo ka, yung ayoko na!

Bandera |January 10,2020
facebook
share this

Juday nagbalak ding layasan ang ABS-CBN: Pag may tampo ka, yung ayoko na!

Bandera - January 10, 2020 - 12:55 AM

JUDY ANN SANTOS

INAMIN ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos na naisipan din niyang layasan ang ABS-CBN at lumipat ng ibang TV network.

Ito raw ‘yung mga kabataan days niya na kung anu-ano ang naiisip niya lalo na kapag may nararamdaman siyang sama ng loob at kung anu-ano pang negatibong feeling.

Ilang beses nang napabalita na iiwan na ni Juday ang ABS-CBN at posibleng lumipat sa GMA 7 sa bawat pagtatapos ng kanyang teleserye pero hindi naman ito natutuloy. Sinasabi ng aktres sa kanyang mga panayam na open siya na magtrabaho sa ibang istasyon

At ngayong matatapos na tonight ang kanyang primetime series sa ABS-CBN na Starla, siniguro na ni Juday na mananatili pa rin siyang Kapamilya.

“Ewan ko ba, parang ganu’n nga yata siguro yun. Baka nagkakataon lang siguro yung everytime na may matatapos akong soap, mag-e-end na rin yung contract and everything, so everybody’s assuming na baka lilipat ng station,” aniya sa ginanap na finale-thanksgiving presscon ng Starla.

Pero inamin niyang, “Sa tinagal-tagal ko naman sa ABS, at though hindi ko itatago na may mga moments noong kabataan ko, naiisip mo yun, kapag may tampo ka, kapag halimbawang meron kayong misunderstanding or miscommunication ng network, you always think of something big to do. Yung ayoko na.

“Pero, you’ll always go back to where you began, where you started, and napapag-usapan naman ang mga bagay bagay. I am able to tell everything to Tita Cory Vidanes, to Tatay Lauren Dyogi.

“Siguro hindi naiiwasan yun, kasi ako na lang yata ang hindi umaalis dito sa ABS, parang hinihintay na lang yata nilang baka this time!

“Nasasabi lang siya, hindi naman nagagawa. Matabil lang talaga ako minsan noong kabataan ako pero walang ganu’n ngayon,” paliwanag pa ng misis ni Ryan Agoncillo na 28 years na ngayong Kapamilya.

Sa loob ng 28 taon, may mga pagkakataon na napanood din si Juday sa ilang GMA shows tulad ng SOP, GMA Telesine at Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending