Horoscope, January 9, 2020 | Bandera

Horoscope, January 9, 2020

Madam Sophia |January 09,2020
facebook
share this

Horoscope, January 9, 2020

Madam Sophia - January 09, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi pa tapos ang iyong suwerte. May darating pang mas malaki at mas marami. Sa lovelife, muling mag-aalab ang relasyon habang patuloy na lumalamig ang panahon. Markahan ang 3, 15, 21, 33, 42 at 48. Red at green ang buenas. Swerte ang initial na M. at W.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa taong ito samantalahin ang magagandang pagkakataon. Sa pinansiyal magagawa mo na ngayong doblehin ang iyong income. Sa lovelife, may umaalis upang pagkatapos ay may muling dumating. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 39 at 42. Maroon at lilac ang buenas. Swerte ang initial na D. at R.
Taurus – (April 20-May 20)- Walang ano-ano biglang mapapasa iyo ang magagandang kapalarang hindi inaasahan. Ang dapat lamang gawin ay matutong magpasalamat. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kulay red na kandila at ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang natanggap. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Red at purple ang buenas. Swerte ang initial na M. at T.
Gemini – (May 21-June 21)-Kahit na hindi nag-preak ang iyong career at aspetong pagkakaperahan noong nakaraan taon, magbabago naman ang lahat, ngayong taong ito ng 2022, aangat ng husto ang aspetong pangkabuhayan, sunod-sunod na suwerte ang mararanasan na may kaugnayan sa material na bagay. Sa lovelife, tuloy ang maligayang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Markahan ang 1, 7, 19, 25, 34 at 45. Green at orange ang buenas. Swerte ang initial na F. at L.
Cancer – (June 22- July 22)- Pera na naman ang problema! Napakahilig mo kasing mangutang. Humingi ng tulong sa isang Capricorn, upang malusutan ang mga naniningil. Sa susunod wag ka na kasing uutang kung wala ka namang inaasahang pambayad. Markahan ang 4, 11, 29, 36, 40 at 48. Blue at red ang buenas. Swerte ang initial na L. at G.
Leo – (July 23 – August 22)-Sa taong ito ng 2020 lalong gaganda ang kapalaran kung lagi kang gigising ng maaaga. Unahan o sabayan mo ang papasikat na haring araw. Regular na mag-meditate habang nakaharap sa direksyong silangan. Kapag nagawa mo yan, bubuhos ang maraming suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong ito ng 2020. Markahan ang 1, 10, 18, 27, 36, at 45. Yellow at silver ang buenas. Swerte ang initial na H. at R..
Virgo – (August 23 – September 22)-Sa taong ito ng 2020 kung hindi ka mag-iisip ng paraan upang yumaman, hanggang ganyan ka na lang! Mahusay na diskarte ang dapat. Iplanong mabuti ang future! Sa pag-ibig, paghandaan ang biglang pag dating ng illicit love affair, na mas malinamnam kaysa sa legal. Markahan ang 6, 12, 21, 33, 39 at 48. Pink at purple ang buenas. Swerte ang initial na D. at G.
Libra – (September 23-October 23)- Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga materyal na bagay! Mas magiging masaya, sa malusog na pangangatawan, sa buo at nagmamahalang pamilya – ang mga bagay na yan ang dapat mong pahalagaahan ngayong taong ito ng 2020. Markahan ang 3, 12, 27, 33, 39 at 48. Gray at maroon ang buenas. Swerte ang initial na R. at A.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Wag apurahin ang pag-unlad! Sa inot-inot na pag-iipon mas madali kang yayaman. Sa lovelife, dispatsahin na ang kasuyong Leo na wala namang silbi, palitan ng isang Cancer. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 36, at 47. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na M. at C.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Iwasang umasa sa biglang suwerte! Pero dapat paminsan-minsan tumataya ka rin sa lotto. Tumaya sa lotto, suwerte ka mula sa ika-1 ng Pebrero sa ika-31 ng Marso. Sa ganyang paraan makakasapol ka ng malaking panalo. Markahan ang 9, 15, 18, 21, 27, at 45. Pink at blue ang buenas. Swerte ang initial na E. at M.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa pagsasakprisyo alang-alang sa iba, mas malaking salapi ang kikitain. Habang sa pag-ibig, ganon din ang gawin, iukol ang lahat ng bagay para sa iyong minamahal. Sa ganyang paraan ka magiging maligaya. Markahan ang 2, 13, 25, 34, 42, at 47. Green at orange ang buenas. Swerte ang initial na L.at S.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Hindi masamang tumulong sa kapwa, pero wag naman sobra. Sa panahong maraming tukso at mga pagsubok, upang wag maligaw ng landas, laging iprioprity ang kinabukasan ng pamilya. Sa pinansiyal, isang Sagittarius ang tutulong sa iyo at magaabot ng malaking halaga. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 34, at 39. Yellow at purple ang buenas. Swerte ang initial na M. at B.
Pisces – (February 19 – March 20)- Wala ng ibang panahon, kundi ngayon na upang mag-bago. Balasahin ang mga maling ginagawa. Panahon na upang lalo pang pagbutihin ang buhay upang bumuti rin ang kapalaran. Sa lovelife, maghanap ng kasuyong mapera, siya ang magpapayaman sa iyo. Markahan ang 7, 18, 22, 25, 35, at 49. Red at white ang buenas. Swerte ang initial na T. at Y.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending