Robin nagbagong-taon sa ospital dahil sa impeksyon
HINDI naging maganda ang pasok ng Bagong Taon kay Robin Padilla. Sa ospital kasi siya nag-celebrate ng New Year dahil sa “impeksyon” na dumapo sa kanya.
Ayon kay Binoe, hindi niya nakasama ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez, pati na ang kanyang mga anak dahil nga kinailangan niyang ma-confine. Hindi naman nabanggit ng action star kung ano talaga ang kanyang sakit.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Binoe ng mga litrato kasama ang ilang staff ng Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital na kinunan bago siya ma-discharge.
“In the name of God the most gracious the most merciful. Our @marieltpadilla Deepest thanks to all the staff and nurses of Dr Jesus Delgado Memorial Hospital Sir Oliver Terrence, Philipp, Joshua, Toti, Joel, Toljaja, Mam Sue, Mam Aprylle, Mam Dana, Mam Kate, Mam Alleyne, Mam Faye, Mam kei, Mam Ella, Mam Luisa, Mam Karmela specially to my longtime doctors Dra Olalo, Dr Fernan, Dr Tagle, Dr de Leon, Dr Tan, resident doctors Dr Manuel, Dr Talaga, Dr Frias for taking down my very stubborn infection na pinag NEW YEAR ako malayo sa aking asawa at mga Anak Hooooyahhhh!!!
“Next step Rehab ng aking injured very painful back. Special thanks to My brother in law Dr Rico Abella to the midwife of @marieltpadilla Sister Jo and Family and most of all to my manager @betchayvidanes na kahit malayo siya at bagong taon ay hindi ako pinabayaan,” dagdag pa ng aktor.
Pinasalamatan din niya si Sen. Bong Go, ang kapatid na si Rommel Padilla at mga pamangking sina RJ at Daniel Padilla sa pagbisita sa kanya sa ospital.
Nag-post pa siya ng litrato nila ni Sen. Go sa IG na may mensaheng, “When your up there everyone is your friend and literally want you to pull them up but when your down there only a few of the many friends will try to pull you up…. a true measure of a true friend maraming salamat partner sa pagpapatawa sa akin at pagpapaiyak sa amin ni mariel sa kagalakan. Mabuhay ka.”
Sa isa pa niyang post, makikita naman sina Rommel, RJ at Daniel na may caption na, “Meet the Farmers of 2020…. antayin ang pagbabalik ng mga MAGSASAKA ngayon 2020 sa pamumuno ni Utol Rommel Padilla kasama ang kanyang tres musketeros Ralph RJ at Daniel. Napakagandang programa ang napagkasunduan ni assistant secretary Penny Disimban ng cooperative at ng greener Padillas para sa bagong mukha ng ating mga MAGSASAKA! God help us.”
Kaya abangan na lang natin kung ano ang proyektong tinutukoy ni Binoe kasama ang boyfriend ni Kathryn Bernardo pero siguradong may koneksyon ito sa pagsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.