‘One of the Baes’ ng GMA wagi sa rating; pakilig ng RitKen bentang-benta
PATULOY ang paghataw sa ratings game ng Kapuso romcom series na One of the Baes na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.
Sinimulan ng primetime series ng GMA ang unang linggo ng Enero sa sunod-sunod na rebelasyon. Inamin na ni Jowalyn (Rita) kay Grant (Ken) ang kanyang nararamdaman pero nagdesisyon si Grant na magparaya sa kanyang Kuya na si Charles (Edgar Allan Guzman).
Gayunpaman, tila ayaw patigilin si Grant ng kanyang puso. Panahon na ba para isigaw niya ang tunay niyang nararamdaman para kay Jowa? Paano na ang kapatid niya?
Natuloy na rin ang kasalan na isa sa Baes na si Bagets (Archie Alemania) pero sa masayang okasyon, may isang malaking trahedya ang magaganap. Maririnig ng tatay ni Grant na si Steve (Jestoni Alarcon) na isinisiwalat ni Alona (Melanie Marquez) ang tunay na ina ni Jowalyn ay si Jo Rubio (Amy Austria). Pursigido si Steve na sabihin ito kay Jo pero bago niya pa man ito magawa, malalagay sa panganib ang buhay niya.
At sa pagbabalik ni Madel (Ruby Rodriguez), malalaman na ba ni Jowalyn kung sino ang tunay niyang mga magulang?
Tuloy-tuloy ang pasabog, rebelasyon at good vibes ngayong 2020 kaya huwag bibitiw sa seryeng gabi-gabing panalo sa buong BAEyan, ang One of the Baes, pagkatapos ng The GIFT sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.