Antoinette Taus dumanas ng matinding depresyon dahil sa pagpanaw ng ina
NAGING emosyonal at madamdamin ang muling paghaharap ng dating magkarelasyon na sina Dingdong Dantes at Antoinette Taus.
Naganap ang “reunion” ng dalawa sa programa ng Kapuso Primetime King na Amazing Earth. Dito ibinahagi ni Antoinette ang matinding depresyon na pinagdaanan niya lalo na noong namatay ang kanyang nanay na naging dahilan din kung bakit naging advocacy niya ang pag-aalaga sa kalikasan.
“I actually lived in the States siguro almost nasa 15 years. Pabalik-balik rin ‘yun, marami ring taon na nasa Pilipinas in between. Noong nagkasakit si mommy, mas nagkaroon ng reason to stay there longer. I feel like nagtuluy-tuloy na siya into my journey, into depression. For a very long time after na mawala si mommy,” simulang pahayag ng dating Kapuso actress.
“Mga 10 years after my mom passed away. Marami kasing phases ‘yan when may pinagdadaanan kang depression or any mental health issue, anxiety, stress. Dumating talaga sa point na kinu-question ko ‘yung existence ko. Mahilig akong kumanta, mahilig ako sa arts, umarte, doing different things, being with my friends and family. Pero kahit kasama ko sila or kahit ginagawa ko ‘yung mga dating paborito kong bagay na mahilig ako o masaya ako dating gawin, biglang hindi na. Parang everyday, empty feeling,” aniya pa.
Pagpapatuloy ng dalaga, “‘Yung years na ‘yun, tinatawag ko silang my glory days. Naniniwala talaga ako na ‘pag madami tayong pinagdaanan, madami din tayong natututunan. Parati kong tina-try na sabihin talaga sa mga tao na ang pain, ang masasakit na bagay, these are the things na puwede nating magamit para maging stronger. We can use it to power, and turn it into purpose somehow.”
“‘Yun na ‘yung bini-blame ko rin ‘yung sarili ko na parang teka lang. Kung ikaw nga nawalan ka ng minamahal mo sa buhay, na normal naman yun, nangyayari naman ‘yun sa lahat ng tao. Bakit mo ‘to ginagawa sa sarili mo,mas marami pang nangyayari sa mundo,” lahad pa ng singer-actress.
Sabi pa ni Antoinette, “struggle is real” pagdating sa isyu ng depression, “Siyempre that’s something we never emphasize kasi ‘pag nararamdaman, when you have a feeling, it’s real, it’s true, it’s valid.”
“But that made me think what’s happening elsewhere in the world. ‘Yung mga walang natitirahan, walang pagkain, mga victims of abuse, oppression, injustice. I was thinking to myself kung ako, ‘yun ‘yung pain ko, what more sila? What more all these people in the world na maraming pinagdadaanan?” paliwanag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.